Chapter 1

2.3K 135 5
                                    

(A/N: Maaari n'yo pong pakinggan ang nasa media habang nagbabasa nitong kuwento. Pwede n'yo rin itong pakinggan simula sa chapter na ito hanggang sa pinakahuling chapter nito. Song Title: Sana Ngayong Pasko - By: Sarah Geronimo)

----------


JAM'S POV


"Sam-sam!!" bungad kong pagbati sa taong nasa screen ngayon ng laptop ko.


"Jam-jam!!" masaya rin niyang pagbati sa akin.


Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang masilayan ko ang mukha ng taong pinakamamahal ko.


"Kamusta ang Jam-jam ko? Nagpakabait ka ba ngayon?" tanong niyang muli sa akin.


Hindi ko mapigilan ang tumawa. Hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin akong bata. Masyado niya akong bine-baby kaya siguro na-spoil ako sa kanya.


"Ayos lang. Lagi naman mabait ang Jam-jam mo, ah?! Ikaw? Nagpakabait ka ba riyan?" pangungumusta ko rin sa kanya pabalik.


Saglit siyang nag-isip bago muling nagsalita.


"Ako, nagpapakabait ako rito! Trabaho at bahay lang. Tapos heto, kakausapin ang pinakamamahal na boyfriend ko." sagot niya at nagbitiw din siya ng matamis na ngiti.


Pinagmasdan kong mabuti si Sam. Ang gwapo-gwapo talaga ng boyfriend ko. Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing nasisilayan ko siya at kakausapin sa umaga.


Nakita kong may kinuha siya mula sa isang tabi. Hindi ko maiwasan na muling matawa nang makita kong may hawak na naman siyang isang bowl ng potato chips.


"Sabi ko sa 'yo, Sam, 'wag kang masyadong matakaw sa junk foods, eh. Masama 'yan sa katawan." pagsaway ko sa kanyang natatawa.


"Kain tayo, Jam! Manonood ako ng NBA ngayon dito sa apartment ko, eh." pagyaya niya sa akin na tila hindi pinakinggan ang sinabi ko.


Matapos iyon ay umupo siya nang maayos sa sofa at nagpatuloy sa kanyang ginagawang panonood habang kumakain. Wala na siyang sinabi pang kahit na anong salita dahil nagsimula na rin ang game na pinapanood niya sa TV. Naririnig ko na rin kasi ito mula sa laptop na gamit ko. Kapag basketball na kasi ang nasa harap niya ay hindi ko na ito maaabala pa, wala nang pwedeng umistorbo sa kanya.


Habang nakatutok sa kanya ang camera ng laptop ay sinimulan ko na rin ang magkwento sa kabila ng pagiging abala nito.


"Papasok na ako ngayon sa trabaho, Sam. Tatlong araw rin akong nag-leave dahil ginawa ko na ang tradisyon natin tuwing nalalapit na ang Pasko. Naglagay na ako ng mga Christmas lights sa bakuran natin. Pati 'yong mga halaman nilagyan ko na rin." unang bahagi ng pagbabalita ko.


Patuloy lang naman siyang nanonood ng basketball. Paminsan-minsan ay titingin siya sa camera at ngingiti, o kaya naman ay kikindatan ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkukuwento ng mga naganap sa akin nitong mga nagdaang araw habang malayo kami sa isa't isa.

Christmas LightsWhere stories live. Discover now