Chapter 13

1K 123 16
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------


JAM'S POV


Binalot kami ng katahimikan matapos ang pangyayaring hindi ko rin inaasahan. Tumigil na ako sa pag-iyak at bahagya na rin akong nahimasmasan. Ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa sofa na naririto sa aking sala. Nakasandal ako sa sofa habang nakatingala sa kisame na walang ilaw kaya wala rin akong makita.


Nanatili naman si Kim sa aking tabi na simula pa kanina ay wala nang imik.


"Since college days, magkasama na kami ni Sam... Walang nakakaalam ng relasyon namin maliban kay Steff na pinsan niya... Nangako kami ni Sam na sa oras na makatapos kami, doon din namin sasabihin sa aming mga magulang ang relasyon naming dalawa... Naging matagumpay naman kaming pareho sa aming pagtatapos, pero noong sinabi namin sa aming mga magulang ang tungkol sa amin, pareho rin kaming itinakwil," kwento ko kay Kim habang naririto pa rin kami nakaupo sa aking sala.


"Pinapili siya noon ng magulang niya sa mismong harap ko... Iiwan niya ako at tatanggapin siyang muli sa pamilya nila, o sasama sa akin si Sam at tuluyan siyang itatakwil ng mga ito..? Sobra ang kaba ko noon, pero binigyan lang ako ni Sam ng isang ngiti at hinawakan niya ang kamay ko... Wala na siyang sinabi pa sa mga magulang niya matapos iyon... Hinila niya na lang akong bigla at lumabas na kami ng bahay nila habang mahigpit na hawak ang kamay ko... Pinili niya ako, at kahit kailan, hindi niya pinaramdam sa akin na nagsisisi siya sa desisyong iyon," sunod na bahagi ng aking pagkekwento.


Nanatiling tahimik si Kim sa aking tabi kaya nagpatuloy pa ako.


"Dito kami tumira, sa pinapaupahan ninyong bahay... Pareho naman kaming may magandang trabaho at masaya kaming nagsasama... Sa bawat sulok ng bahay na ito, naririto rin ang masasayang ala-ala naming dalawa... Pero, dumating ang pagkakataon na kailangan siyang ipadala sa US para sa isang project... Hindi kami halos makapag-usap nang matagal dahil magkaiba ang oras dito sa Pilipinas, kaya naisipan niyang magrecord ng mga videos para ipadala sa akin... Anim na buwan kaming gano'n... Anim na buwan naming tinitiis ang lungkot," pagpapatuloy ko.


"Hanggang sa hindi na siya nakatiis pa... Nagpaalam siya sa boss niya na magbabakasyon siya ng Christmas... Sobrang saya namin pareho nang payagan naman siya... Dahil matapos ang anim na buwan, magkikita na ulit kami at magkakasama... Mayayakap na ulit namin ang isa't isa," muli kong paglalahad at nagbitaw ako ng isang ngiti dahil sa pag-alala.


Saglit akong huminto at kumuha ng mas marami pang hangin upang magpatuloy sa pagkekwento.


"Alam mo ba ang dahilan niya kung bakit gusto niyang umuwi..?" tanong ko kay Kim at hindi ko naiwasang matawa nang kaunti.


Hindi siya sumagot kaya ako na rin mismo ang sumagot sa tanong ko.


"Kasi gusto niya raw makita ang mga patay-sindi na Christmas lights sa maliit naming garden sa labas," mas natatawa kong sagot sa tanong ko. "Ang babaw ng dahilan niya, 'no?" natatawa ko pang reaksyon.


Christmas LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon