Chapter 21

1K 104 12
                                    

----------

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

----------



JAM'S POV



"Jammy..." nakangiti ngunit walang sigla niyang pagtawag sa akin nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Sa pamamagitan ng mga ilaw na nagmumula sa Christmas lights na nasa aking bakuran, malinaw kong nakikita ang labis niyang kalungkutan.



Ito na marahil ang aking pagkakataon. Ito na siguro ang tamang panahon. Ito na yata ang oras para itigil at umiwas sa mga kaganapan na posibleng makasakit sa aming pareho.



Ibinaling ko sa iba ang aking tingin.



"B-bakit?" tanong kong kinakabahan.



"Bakit hindi ka pa nakabihis..? Magsisimbang-gabi na tayo, 'di ba..?" tanong niyang muli.



"Hindi na ako sasama." malamig kong tugon.



Ito ang isa sa nabuo kong mga desisyon. Hindi na ako sasama sa ilang araw na nakasanayan naming pagsisimba.



Ilang segundo siyang natahimik, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya magawang lingunin.



"Bakit, Jam..?" malungkot niyang tanong makalipas ang ilang segundong katahimikan.



"Simple lang. Dahil ayaw ko lang. Sasamahan mo naman si Lola, 'di ba? Hindi na ako----"



"Bakit mo ako iniiwasan..? May ginawa ba akong masama sa 'yo..? May ginawa ba akong ikinagalit mo..?" pagputol at sunod-sunod niyang tanong sa malungkot pa rin na tono.



Natigilan ako. Gusto ko sanang sumagot ng 'wala', at kahit minsan ay hindi ako nagalit sa mga bagay na ginagawa niya. Pero kahit anong pagsusumikap, hindi ko magawang ibuka ang aking bibig para muling makapagsalita.



Sinikap kong kumalma. Sa kabila ng mga pangyayari, nagawa ko ang magbitiw ng pekeng pagtawa.



"Ano bang pinagsasabi mo, Kim?" tanong kong natatawa sa kanya. Nilakasan ko na rin ang aking loob upang tingnan siya nang diretso, pero iyon na rin yata ang isa sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko.



Nang magtagpo ang aming mga mata ni Kim ay nasaksihan ko kung paano mabilis na dumaloy ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata — bagay na labis kong ikinasorpresa at naging dahilan upang manlamig ang aking buong katawan.



Akala ko ay magiging ganoon lang kadali ang lahat, ngunit habang nakikita ko siyang lumuluha, animo'y isa akong nauupos na kandila.



"Hindi naman ako naghahangad na kausapin mo ako sa lahat ng oras, Jam... Pero 'wag mo naman iparamdam sa akin na wala ako sa 'yong halaga..." wika niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.



Christmas LightsOnde histórias criam vida. Descubra agora