Chapter 15

1K 97 18
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


JAM'S POV


Napangiti ako nang mapait dahil nakita ko ang paglingon ni Kim sa akin habang malungkot ang kanyang mga mata.


"Jammy..." malungkot niyang pagtawag sa akin.


Mabilis kong isinuot ang aking pilit na ngiti at kinausap siya.


"Okay lang 'yan, Kim. Sanay na rin naman ako. 'Di ba, nga? Tatlong taon nang nangyayari 'to." pagapapaalala ko sa kanya. Matapos iyon ay mabilis akong tumayo at nagtungo sa kusina upang hugasan ang aming mga pinagkainan. Iniwan ko si Kim na paulit-ulit pa rin na sinusubukang ayusin ang Christmas lights sa sala ng bahay ko. Naririnig ko pa siyang kinakausap ang bagay na iyon at alam kong kahit siya ay hindi makapaniwala dahil sa ngangyaring iyon.


Ilang beses pang sumubok si Kim na paganahin ang patay-sinding Christmas lights, pero sa huli ay mukhang sinukuan na rin niya iyon.


Nanatili pa siya rito sa aking bahay ng ilan pang sandali hanggang sa megdesisyon siyang umuwi sa kanila sa pag-aalalang baka hinahanap na rin daw siya ng kanyang Lola sa mga oras na ito.


Sumapit pa ang tanghali at nagulat ako sa biglang pagbisita ni Lola Tasing sa bahay ko.


"Jam, apo, pwede mo ba akong samahan mamayang hapon sa plaza? Wala kasi akong makakasama at may mga kailangan akong bilhin." nakangiti nitong bungad sa akin.


Hindi ko maiwasang matahimik ng ilang segundo dahil sa pagkasorpresa. Ito ang kauna-unahang beses na niyaya ako ni Lola Tasing kaya hindi agad ako nakapagbigay ng reaksyon sa kanya.


"Pasensiya ka na, Jam, kung ikaw ang niyaya ko, ha? Nasa galaan kasi ngayon ang apo ko. Kapag umaalis pa naman 'yon ng bahay, asahan mong gabi na rin 'yon makakabalik." pakikipag-usap sa akin ni Lola Tasing.


Tumango ako sa kabila ng pagtataka ko pa rin.


"Okay lang naman po, Lola. Wala rin naman po akong gagawin dito sa bahay." sagot ko na rito.


Wala na nga akong nagawa, pumayag din ako sa kahilingan niyang samahan ko siya pagsapit ng hapon. Ano pa bang magagawa ko kung ilang beses niya rin akong pinuntahan sa aking bahay para ipaalalang sasama ako sa kanya? Isa pa, nag-aalala rin ako sa matanda. Baka may mga gamit itong mabibigat at wala siyang makakatulong sa pagbubuhat.

Christmas LightsWhere stories live. Discover now