Chapter 25 (FINALE)

1.8K 161 94
                                    

----------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------


JAM'S POV


Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa lugar kung saan ko gagawin ang tuluyang pagpapalaya sa aking nakaraan. 


Malamig ang hatid ng simoy ng hanging dulot ay panahon, ngunit hindi naging hadlang iyon para muling dalawin ang taong naging malaki ang parte ng buhay ko.


'In loving memory of Sam Louie Rodriguez'


Isang marahang paghaplos sa kanyang lapida ang aking ginawa. Kahit man lang sa paraang ito, nagbabaka sakali akong maramdaman niya ang palad ko. 


"Hi, Sam... Merry Christmas..." pagbati ko sa kanya at nagbitiw ako ng matamis na ngiti.

Sa loob ng tatlong taon, animo'y naging tirahan ko rin ang lugar na ito. Halos araw-araw ko nga noon na dinadalaw si Sam. At tuwing naririto ako, hindi nawawala ang senaryong ako ay umiiyak. Nagmamakaawa ako sa kanya na sana ay bumalik siya. Nagsusumamo na sana ay magparamdam siya.


"Kumusta ka na? Nagpapakabait ka ba diyan sa kabilang buhay?" tanong ko sa kanya.


Ibang-iba na ang pakiramdam ko ngayon. Noon ay napakabigat ng aking dibdib tuwing kakausapin ko siya. Pero ngayon, hindi na halos maputol ang suot kong ngiti habang nagsasalita.

Ilang minutong katahimikan ang aking pinalipas bago ako muling nagsalita.


"Matagal ba kitang pinag-alala, Sam? Sorry, ha? 'Wag ka nang magalit sa Jam-jam mo!" wika ko at bahagya akong natawa.


Kung may kakayahan lang siguro siyang makausap ako, marahil ay sinermonan na ako nito. Madalas kasi niya akong mapagsabihan dahil sa paminsan-minsan kong kakulitan.


Bago ako nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Sam, isang malalim na buntong-hininga muna ang aking pinakawalan.


"Sam," malambing ko nang pagtawag sa kanya. "Hindi ako nagpunta rito para tuluyan nang kalimutan ang nakaraan ko, o kahit ang nakaraan nating dalawa. Kasi hindi na 'yon mabubura, eh. Kasama na 'yon sa akin hangga't nabubuhay ako. At dahil nandito pa ako, kailangan kong magpatuloy sa buhay. 'Di ba, 'yon naman ang gusto mo? Gusto mong lumaban ako kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko? Gagawin ko 'yon, Sam. Gagawin ko 'yon dahil magsisimula na ako sa panibago kong buhay." panimula ng aking pagtatapat sa kanya. 

Christmas LightsWhere stories live. Discover now