Chapter 24

1.1K 122 69
                                    

(A/N: Paki-play n'yo ang nasa media while reading this whole chapter. Hindi man siya eksakto sa ganap, dito ako nakakuha ng inspirasyon para sa ilang revision nitong chapter. Song Title: Sa Araw Ng Pasko - By: Kapamilya All-Star)

 Song Title: Sa Araw Ng Pasko - By: Kapamilya All-Star)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------


JAM'S POV


"Ayaw mo talagang sabihin?" madiin kong pagtatanong. "Sige. Diyan ka na!" inis na inis ko nang bulyaw sa kanya. Kasunod din nito ay tinalikuran ko siya para pumasok sa aking bahay.


Siguro ay nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang mabilis niya akong hinabol at pinigilan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pwersahan sa kanyang pinaharap.


Labis akong nasorpresa dahil sa nangyari. Nanlalaki tuloy ang aking mga matang sinalubong din ang kanyang paningin.


Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa mapagtanto kong ilang pulgada lamang pala ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Ngunit kahit ganoon, malinaw kong nakikita ang kabuuan ng kanyang mukha sa tulong na rin ng liwanag na nagmumula sa Christmas lights.


"K-kim..." nauutal kong sambit sa kanyang pangalan.


Nasaksihan ko ang paghugot niya nang malalim na buntong-hininga. Lalo rin naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga balikat. Kasunod nito ay nasaksihan ko ang pagpikit niya nang mariin at tiningnan muli ako nang tuwid sa mata.


"Ang dami kong sinabi sa 'yo noong gabing iyon, Jam! Pero may isang bagay akong nakalimutan!" halos isigaw na niyang paliwanag.


Hindi ako nakapagsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabawi mula sa pagkabigla.


Bago siya nagpatuloy, naikagat muna niya ang kanyang ibabang labi bilang paghahanda.


"Sa dami ng sinabi ko, Jam, I'm sorry!! Sorry sa hindi magagandang bagay na nasabi ko sa 'yo!! Sising-sisi ako, peksman mamatay man!! Pero may isang bagay akong hindi nasabi sa 'yo dahil sa sobra kong daldal! Sorry!! Sorry!! Sorry!!" sunod niya pang sigaw habang mahigpit pa rin ang kapit sa akin.


Napalunok ako habang nanlalaki pa rin ang aking mga mata.


"O-okay..." tanging naging reaksyon ko lang kasabay ng marahang pagtango sa kanya.


May ilang segundo pa ang kanyang pinalipas hanggang sa muli siyang huminga nang malalim. Napapikit na naman siya nang mariin saka siya nagpatuloy sa sasabihin.

Christmas LightsWhere stories live. Discover now