Chapter 6

1.1K 108 7
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------


JAM'S POV


Mabilis pa na lumipas ang araw at ganoon pa rin ang mga pangyayari. Paulit-ulit at walang pagbabago.


Mali pala.


May naging pagbabago dahil simula nang maging katrabaho ko ang kapitbahay kong impakto ay nag-iba na nakasanayan ko. Araw-araw ko na kasi itong nakakasabay sa pagpasok sa trabaho at ganoon din sa pag-uwi. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng pag-uusap dahil lagi akong may earphones sa tainga ko.


"Kim, let's go! Kumain na muna tayo." pagyaya sa kanya ni Steff nang sumapit ang lunch sa panibagong araw ng aming pagtatrabaho.


"Ah... Sorry, Ms. Steff... Hindi muna ako kakain. Busog pa naman ako." malamyang sagot ng impakto.


"What?! Ilang araw ka nang hindi sumasabay sa amin, ah? Sigurado ka ba?" nagtatakang tanong ni Steff sa kanya.


Dahil sa narinig kong pag-uusap nila ay pasimple akong sinilip sa impakto mula sa gilid ng aking computer. Tumango lamang siya kay Steff habang may tipid na ngiti bilang sagot.


Ngayon ko lamang siya napagmasdan. Kahit ilang araw ko na siyang nakakasabay pumasok at umuwi ay ngayon ko lamang siya nagawang tingnan.


Napansin kong hindi siya gaya ng mga nagdaang araw na puno ng sigla. Naging tahimik din ito simula kaninang umaga na hindi normal sa kanya. Lagi kasi itong may hinihingi sa akin o tinatanong maging sa iba naming mga kasama.


Walang nagawa si Steff kundi ang hayaan siya. Nag-alok pa ang ilan naming kasama na kung may gusto siyang ipabili ay i-text na lamang daw sa kanila.


Naiwan kaming dalawa sa office ngunit naging napakatahimik. At kahit noong lumipas ang lunch ay hindi siya minsan nakipag-usap sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi rin ako nito sinilip sa gilid ng computer at nagbigay ng isang ngiti.


Lumipas pa ang mahabang oras ng aming pagtatrabaho ngunit ganoon pa rin. Nanatili siyang tahimik at napansin kong naging mabagal ang bawat kilos niya sa mga dapat na gawin.


Palabas na kami ng opisina at sinusundan ko siya sa kanyang paglalakad para mag-abang ng sasakyang jeep. May nagbago talaga sa kanya sa mga oras na ito. Para siyang may iniindang sakit na hindi ko matukoy kung ano.

Christmas LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon