Chapter 23

1K 101 22
                                    

(A/N: Paki-play na lang ang nasa media habang nagbabasa ng chapter na ito.
Song title: Pasko Na, Sinta Ko - By: Gary. V.)

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------


JAM'S POV


Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat — ang pagdiriwang sa bisperas ng Kapaskuhan.


Nakaupo ako sa sahig ng aking bahay at nakasandal sa frame ng aking pintuan. Nakatitig sa mga halaman kong nasa bakuran na pinalilibutan ng puting Christmas lights — ang mga Christmas lights na hanggang ngayon ay umiilaw lamang ngunit hindi kumikinang.


Kahit madilim na sa paligid dulot ng gabi ay maingay pa rin ang mga tao dahil sa ginagawang paghahanda para sa Noche Buena mamaya.


Tatlong taon. Tatlong taon akong ganito — pinapanood ko lamang ang mga bata kung paano salubungin ang kanilang mga magulang sa kalye dahil galing sila sa trabaho; Pinapakinggan ang mga kabataan na nagkakasiyahan kasama ang mga kaibigan nito; Sinisilip ko lamang ang bawat bahay na kahit kakaunti lamang ang nakakabit na Christmas lights sa kanilang tahanan ay magkakasama silang nagdiriwang; At kung sasapit na ang oras ng Noche Buena, pinapakinggan ko lamang silang nagbabatian sa isa't isa ng 'Merry Christmas' habang isa-isang niyayakap ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.


Wala na yatang magbabago sa buhay ko. Habang buhay na yata akong nag-iisa. Dahil kahit ang sarili kong pamilya ay tuluyan na akong kinalimutan. Kung tutuusin kasi, sa oras na gustuhin nila akong hanapin ay madali lang nila akong makikita. Alam ko ang bagay na iyon dahil alam nilang kasama ko si Steff sa trabaho — si Steff na matalik na kaibigan ko. Pero kahit minsan sa loob ng mga nagdaang taon, hindi sila nag-abalang kumustahin ako.


Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang aking pamilya. Alam kong nasa maayos silang kalagayan. Alam kong masaya sila dahil minsan ko na iyong nasaksihan — noong mga panahon na nagbabaka sakali akong makakuha ng kalinga dahil sa aking pag-iisa. Masaya silang magkakasama. Nakakangiti silang lahat sa kabila ng aking pagkawala.


Nakakalungkot lang, dahil siniguro talaga nilang mawawalan na sila ng koneksyon sa akin magmula nang sumama ako noon kay Sam. Tinupad nila ang kanilang sinumpaan. Tuluyan na talaga nila akong kinalimutan at inalis sa kanilang mga larawan. Kaya heto ako, laging nag-iisa at walang matakbuhan sa oras ng pangangailangan.


Dahil sa halo-halong dahilan ng aking kalungkutan ay hindi ko naiwasang makaramdam na naman sa sarili ng awa. Isinandal ko ang aking ulo sa frame ng aking pinto habang nakaharap ako sa gate ng aking bahay.

Christmas LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon