Chapter 2

1.4K 123 11
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


----------


JAM'S POV


"Sh*t!" sambit kong mahina dahil sa labis na inis.


Kasunod din naman ng tagpong iyon ay narinig ko ang muling pagbukas ng pintuan sa opisinang ito.


"Oh?! Hi, Jam! Good morning! Welcome back! How's your vacation?" bati ng babaeng kapapasok lamang dito sa aming department.


Nilingon ko siya habang salubong ang aking mga kilay. Ang nag-iisang kaibigan ko pala ang pumasok. Ang matiyagang tao na hindi napapagod sa kabila ng aking pagsusungit at pagsimangot.


"Steff, anong nangyari sa mga gamit ko? Saka bakit may mesa na rin sa tapat ng mesa ko?" tanong ko agad sa kanya.


"Oh! What a great way to response, Jam?!" sarkastiko niyang reaksyon habang nakataas ang kanyang isang kilay.


"Kilala mo na ako, Steff. Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko!" sagot ko naman sa naiinis na tono.


Ang aga-aga naman uminit ng ulo ko! Kararating ko lang pero ganito na agad ang maaabutan ko!


Inikutan niya lamang ako ng mga mata at hindi ako sinagot. Agad niyang ibinaling ang kanyang atensiyon sa kanang bahagi ng kinatatayuan nito. Doon ko lamang napansin na may kasama pala siyang pumasok na lalaki at hindi pamilyar sa akin ang mukha nito.


Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki. Matangkad ito at medyo maputi, mas maputi nga lang ako sa kanya nang kaunti. Sabi nga ng iba ay kutis babae raw ako. Pero hindi na mahalaga iyon sa ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung anong papel nito at naririto siya sa opisinang ito.


May bitbit ang lalaking iyon na monitor ng computer. Maintenance ba siya ng kompanya? Pero nakakapagtaka naman dahil naka-corporate attire din siya?


"Halika, sundan mo ako. Ituturo ko sa 'yo ang table mo." pakikipag-usap ni Steff sa lalaki.


Pinanood ko lamang sila habang naglalakad, ngunit nangunot ang aking noo nang tumigil sila sa tapat ng table ko.


"Dito. Dito mo ilagay ang mga gamit mo." utos ni Steff sa lalaking kanyang kasama habang tinuturo ang mesang nasa tapat din mismo ng mesa ko.


Christmas LightsWhere stories live. Discover now