Chapter 22

1K 102 23
                                    

(A/N: Paki-play n'yo na lang ang nasa media habang nagbabasa nitong chapter.

Song title: Silent Night - by: Sińead O'Connor)

Song title: Silent Night - by: Sińead O'Connor)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------


JAM'S POV


Kinabukasan ay wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Nakakapanibago ang araw dahil walang kumatok sa aking bahay para makitambay. Wala rin ang maingay na magyayaya kung saan-saang lugar.


Noong makaramdam ako ng gutom ay saka lamang ako lumabas mula sa aking pinagkukulungan. Nang marating ko ang kusina ay ganoon pa rin, muli akong nanibago dahil wala akong naririnig na ingay — ang ingay na may pinipilit akong kumain ng kanin sa agahan.


Maging nang sumapit ang gabi, umaasa akong may bigla na lamang papasok sa aking bahay para yayain na akong magsimba. Pero hanggang sa sumapit ang hating-gabi ay wala nang nagpakita.


Kinabukasan ay walang nagbago. Ilang araw na lang din ay darating na ang masayang kaganapan na ipinagdiriwang ng lahat ng tao maliban sa akin — ang mismong araw ng Pasko.


Inabot na naman ako ng dilim, at hanggang ngayon ay umaasa akong may kakatok sa aking bahay hindi para guluhin ang mundo ko, kundi bigyan ng liwanag at kulay ito.


Nagsimula na naman ang madilim na bahagi ng aking buhay. Ang makaramdam ng pag-iisa. Katulad na katulad ito ng naramdaman ko tatlong taon na rin ang nakalilipas.


Habang pinagmamasdan ko ang Christmas tree na inilagay ni Kim dito sa loob ng aking bahay ay nagsimula akong magsalita kahit wala akong kausap.


"Napapa-miss ka ba..? P'wes, kung ganyan nga ang plano mo, nagtagumpay ka na... Kasi naiinis na ako dahil hindi pa kita nakikita..." pakikipag-usap ko sa Christmas tree na animo'y si Kim ito. Kasunod din ng mga salita kong iyon ay nagsimula na naman pumatak ang aking mga luha.


"Tama ako, 'di ba..? Kaya ayaw kong mapalapit sa 'yo dahil baka masanay ako... Dahil baka hanap-hanapin kita... Ngayon mo sa akin sabihin na mali ako..?" sunod ko pang panunumbat. "Sinungaling ka rin, eh... Sinungaling ka, alam mo ba..?" dagdag ko pa.


Inabot ko ang dulo ng aking t-shirt at pinahid ang mga luha kong naglalandas nang masagana.

Christmas LightsWhere stories live. Discover now