Chapter 14

1K 103 6
                                    

JAM'S POV



Kinabukasan ay nagpasya akong magpa-late ng gising dahil wala naman akong pasok sa trabaho, ngunit naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos at ingay mula sa labas ng aking kwarto.



Dahan-dahan akong kumilos para alamin ang ingay na naririnig ko. Nakaramdam ako ng takot dahil sa pag-iisip na baka nilooban na ang bahay ko.



Nang makalabas ako ng kwarto ay dahan-dahan pa rin ako sa paghakbang patungo sa sala dahil doon ko naririnig ang pinagmumulan ng ingay. Hawak ko na rin ang baseball bat na laging nasa aking kwarto para maging handa sa ganitong sitwasyon.



Unti-unti kong sinilip ang aking sala. At nang tuluyan kong makita kabuuan nito, doon ko nakumpirma na may tao nga sa loob ng bahay ko.



Mabilis akong binalot ng katanungan nang makita ko ang imahe ng isang lalaki habang nakatalikod ito sa aking pwesto. Abala ito sa pag-aayos ng isang bagay na hindi ko makita dahil natatakpan ito ng katawan nito.



"Anong ginagawa mo rito?! At paano ka nakapasok dito?!" bulyaw kong pagtatanong sa lalaking nasa sala.



Kung hindi ko lamang napigilan, muntik na akong matawa sa aking nasaksihan. Naibato kasi niya ang kanyang hawak na Christmas balls dahilan para magkalat ang mga ito.



Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinarap ako. Nagbigay rin siya ng alanganing ngiti habang nagkakamot ng kanyang ulo.



"A-ah... Hehe.. G-good morning, Jam...." bati nitong alanganin.



"Good morning ka riyan?! Sagutin mo ang tanong ko! Anong ginagawa mo rito nang ganito kaaga at paano ka nakapasok dito?! Ha, Kim?!" tanong ko pa rin sa kanya.



Patuloy lang siya sa pagkakamot ng kanyang ulo nang sagutin niya ako.



"Sorry na... Gusto lang naman sana kitang i-surprise, eh. Naglagay ako ng Christmas tree dito, oh! Tingnan mo!" pagbabalita nito at itinuro ang Christmas tree na nasa likod nito.



Hindi nagbago ang ekspresyon ko — salubong pa rin ang aking mga kilay dahil sa pagsimangot ko.



"At paano ka nga nakapasok dito?" nakataas ang isang kilay ko nang pagtatanong ngayon.



Mabilis namang napalitan ang kanyang ekspresyon. Mula sa nahihiya ay tila nagtataka na ito ngayon.



"Luh?! Nakalimutan mo bang kami ang may-ari ng bahay na inuupahan mo? Natural may susi kami nito! Haler?!" pamimilosopo niya sa akin.



Natahimik ako dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita, para kasi siyang bata. Kaya sa halip na mainis ay parang gusto kong matawa dahil nga sa nakita kong reaksyon niya. Mabuti na lang at nagawa ko pa ring pigilan dahil baka mag-enjoy siyang makita akong tumatawa.



Dahan-dahan ay tinalikuran ko na lamang ang kanyang pwesto para magpunta sa aking banyo. Nag-toothbrush na lang ako at hinayaan siya sa pinagkakaabalahan nito. Wala rin naman akong magagawa dahil alam kong kahit paalisin ko siya ay hindi naman makikinig ito. Natural ang kanyang pagiging makulit at matigas ang ulo.



Matapos ang ilang minutong paghihilamos at pagtu-toothbrush ay hinanda ko na ang aking mga gagamitin sa pagluluto para sa magiging almusal sa araw na ito.



"Nag-agahan ka na?" bigla kong pagtatanong sa kanya habang kinukuha ang frying pan dito sa kusina.



Ewan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan ko lang din siyang magpatuloy sa pag-a-assemble ng Christmas tree sa sala.



Christmas LightsWhere stories live. Discover now