Chapter 7

1.1K 117 7
                                    

JAM'S POV


Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay. Nagawa ko naman humingi ng tawad kay Sam kung hindi ko siya nakausap kagabi. Mabuti na lang at kahit ganoon ang nangyari, sinalubong niya lamang ako ng ngiti.


Habang naglalakad para sumakay ng tricycle ay natigilan ako sa aking paglalakad.


"Jam-jam!" pagtawag sa aking pangalan.


Nagulat ako hindi dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Nagulat ako dahil ang buong akala ko ay mananatili lang ito sa bahay para magpagaling. Kahapon lang ay hinang-hina siya, pero heto siya ngayon at buhay na buhay na naman na parang hindi hinimatay kahapon dahil sa gutom niya.


"Tara na?" nakangiti nitong pagyaya sa akin nang tuluyan siyang makalapit.


Hindi na ako nagsalita bagama't nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. Gusto ko sana siyang tanungin kung papasok ba siya sa trabaho? Pero baka pagtawanan lang ako nito dahil obvious naman na 'oo' dahil nakabihis ito.


Nagpatuloy kami sa paglalakad na dalawa at sinimulan na naman niyang magkuwento sa paraang masigla.


"Pasensya ka na nga pala kahapon, ha? Naabala pa kita." natatawa ngunit halatang nahihiya niyang panimula habang nagkakamot ng kanyang batok.


Tinanguan ko lang naman siya bilang sagot.


"Kung bakit naman kasi inatake ako ng migraine ko kahapon, eh! Ayan tuloy, nahilo ako!" sunod niya pang paninisi sa kanyang sarili.


Napataas ang isang kilay ko sa aking narinig.


Nagawa pa niyang magsinungaling ngayon?! Akala niya siguro ay hindi ko nakausap kahapon ang doktor?!


Pinili ko na lamang na sakyan ang kasinungalingan niyang iyon. Inunawa ko na lamang siya sa halip na makipagtalo. Nirespeto ko na lamang din ang kanyang gusto.


Naging maayos naman ang aming biyahe hanggang sa makarating kami sa aming opisina. Nakakapagtaka, pero sa kauna-unahang pagkakataon ng biyahe naming dalawa ay hindi ko naisuot ang earphones ko para makinig ng musika.


Kitang-kita ko ang pagbabalik ng kanyang sigla hanggang sa aming trabaho. Nagsimula na naman siyang makipag-usap sa akin kahit 'oo' at 'hindi' lang naman ang naisasagot ko. Nagbalik na rin ang mga pagsilip-silip niya sa akin sa gilid ng aming computer na dati ay kinaiinisan ko. Pero dahil yata sa lagi iyong nangyayari ay nakasanayan ko na rin ito.


"Kim, tara na. Lunch time na." pagyaya sa kanya ng isa naming katrabaho nang sumapit ang tanghalian.


Pasimple ko siyang sinilip ko sa gilid ng computer para makita ang kanyang magiging reaksyon at kung ano ang kanyang itutugon.


"Sige, kayo na lang. Next time na lang ako. Busog pa naman ako, e." nakangiti niyang pagtanggi sa paanyaya ng aming katrabaho.

Christmas LightsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant