Chapter 18

1K 107 10
                                    

JAM'S POV


"Lola!" masiglang salubong ni Kim sa kanyang Lola at humalik sa noo nito. Nagtapos na naman ang panibagong araw at sabay ulit kaming umuwi sa kanya-kanyang tinutuluyan namin nito.


"Mano po, Lola." pagbati ko naman kay Lola Tasing. Ang bagay na ito ay bago sa akin. Noon ay yumuyuko lamang ako sa kanya bilang pagbati at mabilis rin siyang lalampasan. Kahit ang magsalita ay hindi ko ginagawa tuwing kami ay magkakasalubungan.


"Kaawaan kayo, mga apo." nakangiting pagbati naman sa amin ng matanda.


"Saan po kayo pupunta, Lola?" tanong ni Kim.


"Magsisimba sana ako. Ngayon ang simula ng simbang gabi sa plaza." sagot naman ni Lola.


"Luh? 'Di ba, dapat mamayang madaling araw pa 'yon?" tanong ni Kim sa kanya.


Sinimangutan naman siya ni Lola dahil sa katanungan niyang iyon.


"Palibhasa hindi ka na nagsisimba! Kaya hindi mo alam na may simba rin sa gabi na magsisimula ngayon! Hindi ako pwede sa madaling araw dahil delikado at wala akong makakasama! Kaya ngayon ko lang pwedeng gawin ito!" sermon sa kanya ni Lola. Sinabayan pa ito ng kurot sa tagiliran ng apo niya.


Nagkamot na naman ng batok si Kim dahil sa hiya. Ikaw ba naman ang masermonan dito sa tabi ng kalsada at marami ang nakakakita.


"Lola, naman, eh..." nahihiyang reklamo na lamang ni Kim.


"Lola, lola! Hala, magbihis ka! Sumama ka sa akin magsimba nang mabawasan naman 'yang mga kasalanan mong bata ka!"


"Eh, Lola inaantok ako, eh... Nakita n'yo naman na busy ako sa pagbalot ng regalo kagabi, 'di ba? Kulang pa ako sa tulog. Saka may mga amiga na kayong makakasama. May magbabantay na sa inyo."


Para akong nanonood ng sine habang nagsasagutan silang dalawa.


"Sumama ka! Isang oras lang ang hinihingi para makapagsimba ka, nagrereklamo ka pa?!"


Akmang kukurutin na naman ni Lola Tasing si Kim ay inawat ko na sila.


"Ah, Lola! Kung gusto n'yo po, ako na lang ang sasama sa inyo?" alok ko habang hawak ang kanyang kamay mula sa tangka niyang pagkurot kay Kim.


Mabilis silang napalingon sa akin. Napansin ko pa na nanlaki ang mga mata ni Kim nang ako ay kanyang lingunin. Base rin sa reaksyon ni Lola Tasing, tila ba ngayon niya lang naalala na ako ay naririto rin. Masyado siyang nadala sa labis na inis kay Kim.


"Talaga ba, Jam?" tuwang-tuwang paniniguro ni Lola sa akin.


Ngumiti naman ako sa kanya.


"Opo. Hintayin n'yo lang po ako para makapagbihis saglit." pakiusap ko sa kanya.

Christmas LightsWhere stories live. Discover now