AUTHOR'S NOTE

2.7K 117 13
                                    

Maligayang unang araw ng Pasko!


Una sa lahat, nais kong ipahayag ang aking pasasalamat sa pagbuklat mo ng kuwentong ito. Sana, sa istoryang ito ay mabigyan ka ng inspirasyon at pag-asa. Hangad ko rin na may mapulot kang aral.


Para naman sa hindi pa aware, ang kuwentong ito ay naglalaman ng pag-iibigan sa pagitan ng dalawang lalaki. Kaya naman kung hindi mo nais makabasa ng ganitong uri ng kuwento, maaari mo nang lisanin ito.


Nais ko rin ipaalam na minsan na itong nai-publish sa Wattpad at Facebook page ng lgbtPH. Nagkaroon lamang ng problema kaya nawala ito sa Wattpad. Kaya heto, inihahandog kong muli sa inyo. Ang ilan siguro ay nabasa na ito, pero kung nais n'yong mabasang muli, maraming salamat sa inyo.


Nasungkit ng kuwentong ito ang unang parangal taong 2016 sa pamamagitan ng isang writing contest — iyon ay nagmula sa Wattpad LGBTPh. Paligsahan iyon kung saan ang tema ay ukol sa Pasko.


Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako kung matatapos mo ito. Sana ay makapa ng kuwentong ito ang iyong puso.


Maligayang Pasko muli sa iyo!


---- cold_deee ❤

12.01.2018

Christmas Lightsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें