Chapter 12

1K 118 49
                                    

(A/N: Pwede n'yong i-play ang nasa media habang binabasa ang buong chapter.)

)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


----------


JAM'S POV


"Sumunod ka." mariin kong utos sa kanya.


Kasunod nito ay mabilis akong kumilos para buksan ang pintuan ng aking bahay.


Pagpasok ko sa loob ay napakagat ako ng ibabang labi ko. Pinipigilan ang sarili ko na lumuha sa mga oras na ito.


Naramdaman ko ang unti-unting pagpasok ni Kim. Hindi ako nagsalita at naghintay na lamang ako sa kanyang magiging reaksyon.


Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay ko, ang kanyang pagtatanong.


"B-bakit... bakit ang dilim dito sa loob?" tanong niyang nauutal.


Alam kong nabigla siya, at kahit hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha ay alam kong nanlalaki ang mga mata niya. May kaunti namang liwanag na nagmumula sa mga Christmas lights na nasa labas ng aking bahay, ngunit hindi sapat iyon para makita niya ang kabuuan nitong aking tinitirahan.


"Ito ang mundo ko, Kim... Ito ang naging mundo ko sa loob ng tatlong taon.. Nasa dilim ako nabubuhay at nag-iisa.. Namumuhay nang walang kasama.." sagot ko sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang lumuha.


Hindi siya nakapagsalita. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para sabihin sa kanya ang lahat. Ginawa ko ang pagpapatuloy ng aking paliwanag sa pagitan ng aking mga pag-iyak.


"Tatlong taon... Tatlong taon na hinahayaan kong kapain ang bawat parte ng bahay ko... Na hindi ko binubuksan ang mga ilaw ko... K-kasi... kasi, ayaw kong makita ang bawat parte ng bahay na 'to..."


Nanatili naman siyang tahimik at nakikinig sa naging pagtatapat ko. Nahihirapan man ako sa pagsasalita dahil sa labis na pag-iyak, sinikap kong ipagpatuloy ang pagbubunyag ng aking itinatago sikreto sa tatlong taon ng pamumuhay ko.


"Kung pwede ko nga lang sanang hilingin na sana hindi na dumating ang umaga, eh... Na sana... sana, manatili na lang na gabi... Kasi nahihirapan ako sa tuwing makikita ko ang kabuuan ng bahay na 'to... Nahihirapan akong makita ang bawat parte ng bahay na 'to na dating masaya..."

Christmas LightsWhere stories live. Discover now