Chapter 5

1.2K 111 14
                                    

----------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------


JAM'S POV


Panibagong araw.


Balik na naman ako sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko.


Matapos kong makipag-usap kay Sam ay naghanda na rin akong pumasok sa trabaho.


Tulad ng aking nakasanayan ay diretso lang ang aking mga mata sa kalsadang aking dinadaanan. Tahimik na sana ako mula sa sarili kong mundo habang naglalakad upang mag-abang ng tricycle na masasakyan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan nang may marinig akong pagtawag sa aking pangalan.


"Jam-jam!!" sigaw mula sa aking likuran.


Natigilan ako habang nanlalaki ang mga mata dahil sa paraan ng pagtawag na iyon sa aking pangalan.


"Sam..." bulong ko habang nakatulala.


Dahan-dahan ako sa paglingon kung saan nanggaling ang boses na iyon dala ang labis na kaba.


"Grabe! Ang bilis mo naman maglakad?! Kanina pa kita tinatawag, ah?! Akala ko, hindi na kita maaabutan!" reklamo ng lalaking nasa harap ko habang hinihingal. Mukhang katatapos niya lang tumakbo para marating ang aking pwesto.


Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa pagkadismaya. Ang buong akala ko ay si Sam na ang tumawag sa aking pangalan at handa na ako nitong makita.


"Uy! Okay ka lang? Bakit nakatulala ka?" tanong sa akin ng impakto.


Tila ba doon lamang ako nagising sa isang panaginip kaya doon ko lang din nagawang makapagsalita.


"B-bakit?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.


"Anong bakit? 'Di ba, sabi ko sa 'yo kagabi sabay tayong pumasok? Nakalimutan mo na ba?" tanong nito sa akin pabalik.


Ang kanina kong pagkabigla ay napalitan ng pagsimangot. Hindi ko sinagot ang lalaking nagsimula na namang ipamalas ang wagas na ngiti nito. Mabilis ko na rin siyang tinalikuran at ipinagpatuloy ang paglalakad ko.


"Hay, grabe! Ang suplado talaga!" dinig kong bulong niya habang sinusundan ako.


Christmas LightsWhere stories live. Discover now