Mirror

23 5 4
                                    

"...5, 4... 3, 2... 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8... 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1... and... wave~ then... single, single, double, double. Single, single, double, double. Turn to the left and turn to right~... jump and groove and swag." sabay sa pag-padyak ng mga paa't galaw ng mga kamay, giling ng mga bewang namin sa tugtugin ay mga napapaindak lahat sa sayaw.

Nang tumigil na ang tugtugin nang sinasayaw namin ay ang pagtigil din namin sa pagpa-practice at kaniya-kaniyang freestyle para sa panghuling pause at para na rin makapagpahinga na dahil kanina pa kami nagpa-practice sa up coming intramurals nila.

Isa akong choreographer ng paaralang ito simula ng maka-graduate ako ng college ay dito ako nadistino dahil ito ang passion ko. Lahat ng genre nang sayaw ay alam ko at itinuturo ko.

Matapos ng sayaw ay sabay-sabay silang nagpaalam para sa kaniya-kanyia, sara-sarili at isa-isa na silang pumunta sa shower room at ang iba naman ay nagbihis lang at 'yong iba naman ay umalis na.

Hinintay ko munang matapos ang isa sa nag-gagamit ng isa sa shower room para makapagligo't bihis na ako dahil sa nanlalagkit na ako sa pawis buhat ng pagpa-practice namin ng sayaw na ilang ulit rin naming ginawa—mastery na rin lang naman.

Uminom muna ako ng tubig sa tumbler na dala ko habang 'di pa lumalabas ang isa sa hinihintay kong gumagamit...

Ilan pang sandali ay natapos na ang isa sa gumagamit ng shower room na ikinapasok ko agad dahil nasasabay pa ang iiihi ko. Pero nginitian ko muna siya bago ko isinara ang pintuan.

~*~

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng komportableng damit na dala ko.

Nasanay na kasi ako na pagkatapos ng practice sa sayaw ay sa shower room agad ang punta ko para maligo dahil sa nakasanayan ko na ito lalo pa't ayaw ko namang umuwing pawisan at haggard.

Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa kinalalagyan ng mga gamit ko para magsuklay at pagkatapos ay nagpulbos na rin para mukhang fresh talaga.

Kinuha ko ang compact mirror ko para matingnan kong may bilog pa bang pulbos sa mukha ko. Ngunit ako'y natigilan ng kilabutan ang batok ko na para bang akala mo'y may umihip dito na ikina-walang bahala ko na lang at buti naman ay may hawak akong compact mirror para sana matingnan kung may tao bang naiwan sa mga kasamahan ko pero gaya ng paglabas ko kanina sa shower room ay ganoon pa din naman.

Nang ma-satisfied na ako sa sarili ko ay inayos ko na rin ang mga gamit ko at isinakbit na sa magkabilaan kong balikat ang knapsack na lagi kong dala-dala.

Nang makita kong wala na akong naiwan ay pumihit na ako patalikod. Nagtaka pa ako ng sa pagharap ko'y kaharap ko kaagad ang full-size mirror na ikinakunot ng noo ko dahil nakikita ko sa replika ng salamin na meron pang isang full-size mirror sa likod ko na nakatalikod din ako kaya napaharap din ako sa likod ko at kasabay ng pag-ikot ko ay nahagip pa ng mata ko na pati sa magkabilaan kong gilid ay meron ding full-size mirror. Napasinghap ako kalaunan at natigilan.

Ano ito? It is some sick of joke?

Inilibot ko ang magkabilaan kong mata sa kanan at kaliwa at baka namamalikmata lang ako pero ganoon pa din. Kaya naman naipalibot ko na ang paningin ko sa kabuuan ng studiom na ngayon ay napapalibutan na nang full glass mirror. Hindi ako nakagalaw. I was too scared to move.

Tumindig yata ang balahibo ko sa kilabot. Bumundol ang kaba ko ng isa pang libot ay ganoon pa din. Lalong bumundol ang kaba ko ng napagtanto kong napapalibutan ako ng apat na kuwadrong full-size mirror. Na 'di ko nga alam kong nasa studiom pa ba ako o may lalabasan pa ba ako o ito na ang katapusan ko?

B-bakit... a-ano ang i-ibig sabahin nito?

Nagkakanda-utal-utal na tanong ng isip ko.

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now