Wattpad vs Mobile Games

3 0 0
                                    

"So before we start our lesson for today we will having a debate first... an impromptu one, boys over girls. Our topic for today is all about sa kina-aadikan ng lahat mapa-babae man o lalaki. So I have all your names here at the piece of paper. Bubunot na lang ako and I'll give you a 15 minutes to brainstorm." itinataas pa nito ang bowl kung saan na ando'n ang mga pangalan namin.

"Nice one ma'am!"
"Oh exciting..."
"Bet ko 'to..."

Kaniya-kaniyang kumento ang mga kaklase ko kasi ba naman akalain mong 'pag nagpa-debate 'tong matandang hukluban na 'to dalawa ang topic? Dalawa ba ulo neto?

Nakikinig lang ako sa directions ni ma'am habang nakapangalumbaba sa mesa. She's always like that, activity first before lesson... 'di ako masyadong nakikinig sa kaniya dahil amboring naman niyang magturo.

"...for the girls is Ms. Zachiel and for the boys is Mr. Rajo. For the girls topic is wattpad and for the boys is online games... idedefend niyo lang naman ang topic niyo like survey in your own opinion. I'll pick this topic 'coz all of you didn't listen to my lesson pero kung makapag-cellphone kayo sa mismong klase ko ang a-active niyong nilalaro at binabasa ang mga iyan. Group yourselves and time start now." bumaba ang tingin nito sa relong pambisig.

Alam ko naman na 'di niya coincidence na mabunot ang pangalan naming dalawa. Nakita niya lang naman kami ni Rajo habang hawak ang cellphone no'ng time na nagle-lesson siya kung sa'n ni-confiscate niya ang pinaka-mamahal naming cellphone.

Napatingin naman ako kay Rajo na nilalaro ang ballpen sa kanyang daliri. Naramdaman niya atang may tumitingin sa kaniya kaya napabaling ito sa 'kin ng may ngisi sa labi kung sa'n napaismid ako.

Lumapit sa akin mga classmate ko para magbigay opinyon pero wala ako sa kanilang pakialam. Kaya kong depensahan ang sarili ko laban sa boring-magturo-ng-teacher-namin at kay Rajo.

"So let's start... let's start for the wattpad side."

Tumayo naman kami sa harap ng klase. Tumikhim muna ako bago nagsimula.

"Wattpad's have two aspect the advantages and disadvantages... we all know that the online games too. For me, the two is nothing have different... the truth is I don't know where to start... our teacher never give us the specific topic except the wattpad and the online games."

Nang lingunin ko ang aming guro ay nanlilisik na mata ang ipinukol sa akin.

Makuha ka sa tingin, Zach...

Binaling ko ang tingin sa aking mga classmate tsaka nagpatuloy.

"Sa wattpad natuto akong mag-english kahit hindi pa fluent, sa wattpad natuto akong pahalagahan ang mga undiscovered author at mga aspiring, sa wattpad andami mong matututunan depende na 'yan sa nagbabasa... sa wattpad din nagiging tamad ka na, uutusan ng magulang puro dabog minsan nabibingi pa, sa wattpad 'pag walang pasok nakakalimutan ng makaligo, sa wattpad nagiging matapang kahit nagtuturo ang guro hala sige basa pa din. Dahil sa wattpad may nakakalimutan-dahil sa wattpad natuto kang mag-multitasking na nagbabasa ka na nga may nakasalpak pang earphone sa tenga naka-volume pa, dahil sa wattpad napupuyat... pero alam kong alam niyo na ang wattpad ay gaya lang din sa online games."

Matapos kong magsalita ay halos tahimik ang lahat at tutok na tutok na nakikinig sa 'kin. 'Di ko alam kung naghahanap ba sila ng mali o ano sa sinabi ko.

"So what can you say now Mr. Rajo?"

"We all know that wattpad and online games ay ginagamit na ng ibang mga kalalakihan at mga kababaehan. Advantages? Disadvantages? We all know naman na lahat ay may ganoon depende talaga sa gumagamit 'pag nasobrahan masama, pagnakulangan kulang talaga." nagkibit-balikat pa siya. "Online games is our way to escape from our problem... problem in family, school, friends, girlfriends and all." umiwas ako sa huling tinuran niya. "LOL, ML, ROS, DOTA, COC and all... problema sa reyalidad ay 'di basta-basta malulusutan pero ang tower isang hampas lang ng sandata tumba na ang kalaban. 'wag niyo kaming husgahan na gamer dahil sa paglalaro nga naipaglalaban namin ikaw pa kaya?..."

"Awie~"
"Yiee~"

Tuksuhan ng lahat ng kindatan ako ng kumag. Natahimik naman sila ng tumikhim ang aming guro.

"Like you, we escape too from problem and reality. Dahil sa wattpad fictional character lang satisfied na. Aanhin mo ang nahahawakan, nayayakap at katabi mong boyfriend kung walang ibang bukambibig ay ang paglalaro niya ng mga online games-"

"Whoooaahhh..."
"Wala na finish na!"
"Brad wala ka pala eh... hahaha."

"Bakit 'yong girlfriend ko rin naman bukambibig ay wattpad kisyo si ganito, si ganiyan, nakakakilig si ano-"

"Mukhang lumalalim na ang laban huh?"
"Oy iba na tinutunguhan ng debate..."
"Muling ibalik ang Tamis ng pag-ibig~"

"Kasi nga 'di mo ginagampanan pagiging isang boyfriend mo. Mas kinikilig pa ako sa wattpad kesa sa 'yo. Mas ramdam ko pang may boyfriend ako sa wattpad dahil sa mga pinag-gagagawa ng lalaki sa babae sa binabasa ko. Eh ikaw? Asan ka no'ng mga panahong monthsarry natin? Hindi ba nasa computer shop? Naglalaro? Tapos ano mas pipiliin mo na si Layla kesa sa akin? Dahil sa pagbabasa ko iniisip kita-iniisip kita na sana gawin mo rin 'yon pero ano-"

"Iba na 'to!"
"Awkward..."

"Ayan dahil sa kakabasa mo tumataas expectation mo. Zach, ito lang ako. Ito lang ang kaya ko. Buti nga iba ang pinaglalaruan ko hindi iyang puso mo... kaya kong punuan 'yang puso mo pero dahil nga sa mas pipiliin mo 'yang nasa kathang-isip na 'yan kesa sa reyalidad pwes pipiliin ko rin si Layla na kayang tulungan akong nasasaktan sa reyalidad." Napayuko ako sa mga sinasabi niya. "That's all ma'am, thank you."

Doon ko lang naisip na nasa paaralan kami at nag-aaktibidad. At nakakahiya lang dahil dito pa namin nailabas ang aming hinaing sa bawat isa. Pahamak kasing gurang.

"Okay thank you to the both of you... you may sit now Ms. Zachiel."

Nahihiyang umupo naman ako. Naka-unglo pa din ako ng biglang may yumakap sa akin.

"I'm sorry, Zach. I'm sorry... I miss you so much... Zach, can you give me a second chance p-please?"

Imbis na isipin ang mga classmate at guro namin ay ginantihan ko rin siya ng mas mahigpit na yakap.

Isinubsob niya ang kaniyang ulo sa pagitan ng aking leeg at balikat kung saan naramdaman ko ang basa niyang pisngi.

Tumango naman ako. "I am sorry too... it's my fault. I'm too stupid for taking you for granted. I love you, my Rajo..."

-END-

Kristalalab'z One Shot CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ