Mahal Ko O Mahal Ako?

12 1 0
                                    

“Madami na kayo diyan?”

Tanong ko kagad ng masagot na niya ang tawag ko.

“‘Pag dito na kayo lahat siguro madami na.”

I rolled my eyes heavenward from her sarcastic feedback. So ibig sabihin siya pa lang ando’n?

“Strict parents here… I’m on my way na, call you again when I finally there.” ‘di ko na siya hinintay pang makasagot at agad ko ng binaba ang tawag.

Naglakad lang kasi ako kahit hating-gabi na at sa kasamaang palad pa ay wala ng sasakyang dumadaan kahit tricycle man lang para sana mapadali akong makapunta ngunit sa awa ng Diyos naman ay mga limang bloke lang layo ng bahay namin sa barangay hall na pagdadausan ng patimpalak.

Nang makarating ako ay imbis na tawagan si Java ay 'di ko nagawa ng makita ko na si Lan.

Lan, asan kayo naka-pwesto?” sabay tapik ko sa kaniya habang siya ay bumibili ng pagkain sa may stall.

“Oh, Tarin! Andiyan ka na pala. Halika na at kanina pa sila ando’n. Tayo na lang ang hinihintay.”

Buti na lang at nakita ko si Lan. 'Di na ako mahihirapan pa sa paghahanap sa kanila.

“…pangit man ako sa inyong paningin… mas pangit naman ang susunod sa akin.”

Bungad sa 'min ng contestant—na 'di ko alam kung ika-ilan ba siya—ang unang bumungad sa 'min pagkapsaok matapos kong mag-entrance fee.

“Pang-ilan si Jail?” sigaw ko sa kaniya dahil sa lakas ng tugtog.

“Pang-huli.”

Nang makarating kami sa aming mga kaibigan sa may unahan ay sinunggaban agad nila ang dala ni Lan.

“Buti nakarating?”

“‘Di naman ‘yan katulad mong lulubog-lilitaw.”

“It’s better to be late than absent guys.”

“Tama na! Tama na! upo na dito Tarina at mabuti na lang panghuli si Jail.” Java said as she motion her hand.

“Pia Wurtzbach, 19 representing Gabao Street!… at bago ko lisanin ang apat na sulok ng barangay hall na ito ay nais kong sabihin na Aanhin mo pa ang magic sarap, kung sa akin pa lang lasap mo na ang sarap?’.” tinampal pa nito ang kaniyang kabilang balakang kung saan napahiyaw at nagpalakpakan ang lahat.

At ang pumalit sa kaniya ay si Jail na kung saan ang ganda-ganda ng pagka-make-up sa kaniya na kung 'di lang 'to straight na lalaki at 'di ko lang kakilala at kung 'di lang BARAKO QUEEN 'tong sinalihan niya malamang maiisip kong babae 'tong isang 'to.

Pumalakpak naman kami at naghiyawan naman ang mga kaibigan ko.

Lumubog sa kanluran, bumangon sa silangan. Reyna ng kasarapan KataREYNA De Jesus ang pangalan. Na nag-iiwan ng kasabihang ‘Par, please lang stop breaking girls hearts tangina! Bi na silang lahat.’

'Di ko alam kung ba't pangalan ko ang ginamit niya sa patimpalak na ito pero alam kong ako ang sinasabihan niya ng kaniyang kasabihan. What? I'm not bi! Ni wala nga akong shotang babae eh. Ni 'di rin ako tomboy! Boyish lang ako. Boyish!

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now