Manito Manita

4 0 0
                                    

"Can I have your picture so I can show Santa what I want for christmas?"

Napatingin ako sa kaniya matapos kong marinig ang lumabas sa mumunti niyang labi.

Naitanong ko kasi sa kaniya kung ano ba ang gusto niyang matanggap ngayong pasko pero nagulat ako sa isinagot niya.

"B-bakit kay Santa ka pa hihingi ng ganiyang bagay? Ba-at picture ko lang ang hinihingi mo sa 'kin?" utal-utal kong saad habang siya'y matulin pa rin ang paglalakad sa daanan.

"Alam ko naman kasing ibibigay ni Santa 'yon ng madali kesa naman sabihin ko sa 'yong 'di ko alam kung may pag-asa ba..." tumigil siya sa paglalakad ngunit ang likod niya'y nakaharap pa rin sa akin. "...malapit na pasko single pa rin ako."

"N-Nezyel..." munting usal ko ng makita kong umaalog ang kaniyang balikat.

Lumapit ako sa kaniya kasabay ng paghawak sa magkabilaan niyang balikat. Ngunit ako'y natigilan ng mapaharap siya sa 'king may luha ang mga mata.

"N-Nezh, what is the m-meaning of t-this?" naguguluhang tanong ko.

Pinunasan naman niya ang mukha gamit ang likod ng kaniyang kamay. "Ikaw na nga yata ang nakilala kong napaka-manhid!" Mapakla pa siyang napatawa.

"Edcel, naman eh..." aniyang papadyak. "Malapit na Christmas party natin. Alam ko naman na ako ang nabunot mo-ay mali dahil nakipag-palitan ka kay Nhelmar at sinabi niya 'yon sa 'kin," napayuko siya sa huling turan. Mukhang alam ko na ang nangyayari. "Mag-exchange gift tayo. Akin ka, sayo ako... aasahan ko 'yan sa party huh?!" 'Di pa man ako nakakasagot ni tango ay siya na mismo ang nagbigay sagot sabay pasok sa loob ng bahay nila. Doon ko nga lang rin napagtantong naihatid ko na siya.

Napabalik lang ako sa katinuan ng may tumapik sa akin.

Nang lingunin ko'y si Choy lang pala, isa sa mga kaklase ko.

"Tol, balita ko kayo na daw ng ex ko." paunang salita niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Balita ko nga rin daw tol na kayo na din ng ex ko." walang ka amor-amor na ani ko sa kaniya. Pampa-insulto lang.

"Gano'n talaga tol 'pag papalapit na ang pasko... may exchange na tinatawag eh." kibit-balikat nitong saad. Sabay balik sa kinauupuan.

'Di ko alam kung pampalubag lang 'yon sa sarili niya dahil o talagang 'di pa siya nakaka-move on?

Napailing na lang ako.

"Gusto mo ng malaking gift ngayong pasko? Buksan mo zipper ko."

Napabaling ako sa harap ng marinig kong sabihin 'yon ng isa sa mga kaibigan ko, si Nhelmar kung saan ikinatawa naman ng aming mga kaklase.

"Nhelmar!" tila naman isang kidlat ang boses ni ma'am kung sa'n kinatahimik ng lahat ngunit ang ngisi ng aking kaibigan ay naka-plaster pa rin.

Siraulo talaga kahit kailan ang ugok, napailing na lang ako.

"You sure it is big just what like your saying, hmm?" pagsasabay naman ni Ludy sa kapilyuhan ni Nhelmar.

"Diyos kong mga ki bata-bata pa kung ano ng nalalaman niyo... umayos kayo't nasa harapan niyo lang ako." anas ng aming guro habang inaayos ang pag-upo.

"Inosente ang mukha, pero may landing 'di mo inakala." iiling-iling na anas ni Nhelmar matapos ang turan sa kaniya ni Ludy.

"Wala tol, finish na. Mukhang sanay eh." at nagtawanan na naman ang mga kaklase ko sa isinigaw ni EJ, isa sa mga kaibigan namin.

"Don't judge the brief by its cover baby, open it and you can discover."

"You want me to open it, in front of our classmate and our teacher?" makahulugang anas ni Ludy habang lumalapit na kay Nhelmar.

Tsk! Natatawa na lang ako sa ka-abnormal-an ng dalawa.

"Kung wala kayong respeto sa sarili niyo, kunting respeto naman para sa aking guro niyo..." giit nito sabay buka ng pamaypay at paypay sa sarili.

"Gurang!" rinig kong anas ng isa sa mga kaklase ko.

Akala ko kung sa'n na pupunta si Nhelmar ng lumapit lang ito sa bag niya sabay kuha ng nakabalot na kahon at walang emosyong binigay ito kay Ludy.

"Simpleng ako, na hindi bagay sa malanding kagaya mo."

Kinuha naman ng huli habang may ngiti sa labi.

"Simpleng ako din, na hindi bagay sa manyak na kagaya mo." umirap muna ito bago tinalikuran ang kaharap.

"'la talaga tol, 'di nadala sa karisma mo."
"Wala ka ba talaga kasing alam na 'the moves' kundi 'yon lang?"
"Puro ka kasi kabastusan. 'Yan ang napapala!"

Sigawan ng mga barkada matapos maupo ng huli ng may simangot sa mukhang 'di mo maikukubli.

"Ok! Ok! Quiet! Let's proceed to the next manita and manito... who wants...?" Tatayo na sana siya ng unahan ko. "Ok, Mr. Edcel, sino nabunot mo?"

"Si Nezyel, Ma'am." may ngiti sa labing turan ko.

'Di pa man tinatawag ni ma'am ang pangalan niya'y lumapit na siya sa 'kin ng may ngiti sa labi.

That smile. That damn smile who captivate my innocent heart. Puta! Nakaka-bakla!

Nangunot ang kaniyang noo ng i-abot ko ang explosion box sa kaniya. At ang kaninang matamis na ngiti ay unti-unting nabubura at napapalitan ng isang pilit na lamang.

"E-Ed... h-hindi ito ang n-napag-usapan natin." isang patak ng luha ang tumulo sa kaniyang kaliwang mata.

Oh God! What have I done?

"Next! Sino nabunot mo Nezyel?" pagpuputol ni ma'am.

"Si E-Edcel po m-ma'am." 'di nakaligtas sa akin ang kaniyang paglunok at pagbasa sa kaniyang labi.

Lumapit siya sa akin at walang sere-seremunyang hinalikan ako. In front of our classmate and in front of our teacher.

Narinig ko ang pagsinghap ng lahat kasabay ng pamamalisbis ng luha sa kaniyang mata.

"It answered me. Your action is all about the friends and brotherhood just what like your saying. I'm sorry if I fall for your whole hearted kindness..." utal-utal na anas niya matapos ipatong ang noo niya sa may baba ko. "I give my heart but I receive memories..."

Fuck! Alam ko kung anong gusto niyang palabasin sa huling turan niya.

She give her heart to me but I give her picture that full of our memories... fuck! Fuck! Fuck!

Tumakbo siya palabas. Gusto ko man siyang habulin ay 'di ko naman alam kung anong sasabihin ko. Should I comfort her? Should I say sorry? She's my niece for god sake!

-fin-

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now