Dear James

10 2 7
                                    

Dear James,

          Naaalala mo pa ba no'ng sinabi ng best friend ko na kaibigan mo rin pala na crush kita? Naaalala mo pa no'ng una nating pagkikita at no'ng una kitang itext matapos hiramin ng best friend ko cellphone mo't kalikutin namin para lang makuha ang number mo? Good thing nga't close na close kayo kaya't kulang na lang magselos ako at nagpapasalamat rin ako't walang password ang cellphone mo.
          Naaalala mo pa ba no'ng unang message ko sa 'yo? Naaalala mo pa ba bawat ngiti sa labi mong matapos makareceive ng beep mula sa akin? Naaalala mo pa ba no'ng sinabi mo tunay mong pangalan at pagtawanan ko matapos makita ang “Jose” sa una mong pangalan?

          Ika-9 ng Nobyembre taong 2014, Naaalala mo pa ba no'ng tinanong mo ako kung pwede ka bang manligaw na agaran ko ding sinagot ng “Gusto mo nga tayo na ngayon din oh..” Ang bilis 'no? Dahil alam kong relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw. Bakit pa ba natin patatagalin kung parehas naman ang nararamdaman natin sa isa't-isa?

          Naaalala mo pa ba no'ng una mo akong sabihan ng “I love you…” Naaalala mo pa ba no'ng sinabihan din kitang “Mahal din kita…”? Naaalala mo pa ba no'ng ang cheesy-cheesy nating dalawa na kulang na lang ay langgamin tayo? Naaalala mo pa ba na bawat araw na nagdaan 'di natin makakaligtaang mag-usap?

          Naaalala mo pa ba no'ng sinabi mong luluwas kayong Maynila para magbakasyon sa nalalapit na Christmas weekend? Alam mo bang ayaw ko? Pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil wala akong magagawa. Naaalala mo pa ba no'ng mga araw na text ako ng text, tawag ako ng tawag at wala akong narereceive mula sa 'yo? Nagdaan ang pasko't bagong taon na 'ni-ha, 'ni-ho mula sa 'yo'y wala.

          Ika-8 ng Enero taong 2015, Naaalala mo pa ba no'ng unang winasak mo ang puso ko? Na kauna-unahang message mo no'ng bumalik kayo'y “Bakit ka pa nag-gi-GM ng nine (9) eh wala na tayo?” ang nareceive ko. Alam mo bang 'di ako pumasok no'n? Alam mo bang 'di ako makakain? Alam mo bang 'di ako makatulog at puro's iyak lang ang nagawa ko? Natural hindi dahil wala ka no'ng mga araw na durog na durog ang puso ko.

          Ika-29 ng Pebrero taong 2015, Nagmomove-on na 'ko no'ng sabihin ng best friend kong gusto mo daw makipagbalikan. Bakit? Bakit kahit sinaktan mo na ko't lahat-lahat sa 'yo pa rin ako? Gano'n ba kita kamahal na pati sarili ko'y nakakalimutan ko na?

          Ika-17 ng Marso taong 2015, Naaalala mo pa ba sa ikalawang pagkakataon ay binigay ko uli ang puso ko? Na binigyan ulit kita ng pagkakataon para saktan uli ako? Tanga ba talaga ako o nagtatanga-tangahan lang sa pagmamahal kong 'di ko alam kung tunay ba 'yang pakikipagbalikan mo. I doubt. Yes. No wonder.

          Naaalala mo pa ba na sa ikalawang pagkakataon tayo'y sumaya uli? Nanumbalik ang tunay na ngiti ko na nakalimutan ko ng gamitin nitong mga nakaraan. Nakalimutan ko iyong sakit at pagdadalamhati sa 'yo. Naaalala mo pa ba na 'di ko man lang inungkat kung bakit gano'n 'yong mensahe mo sa akin? Wala kang sinabi kaya naman minatili ko na lang tikom ang aking bibig dahil ang sa ngayon na ang importante. Naaalala mo pa ba na bati't-away, on-off tayo minsanan?

          Crush—'yan ang endearment mo sa 'kin at Jose naman ang tawag ko sa 'yo na minsan ay may kasama pang tawa.

          Jose ko, bakit? Bakit—anong nangyari? May nagawa ba 'ko? Bakit kung kelan nagkakaigihan na tayo'y saka ka pa sumuko? 'ni 'di ko man lang napaghandaan. Sa ika 'di ko mabilang na pagkakataon puso ko'y iyo na namang winasak. Mata ko na nama'y lumuluha ng dahil sa 'yo. Oh mahal ko.

          Ika-21 ng Hunyo taong 2015, Katatapos ko lang sa gawaing bahay ng mahawakan ko ang kaka-full pa lang na cellphone ko na agad ko ding nabitawan matapos mabasa ang mensahe mo. Tumigil ang mundo ko't para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nag-GM ka… at walang disi-syete ang nakalagay kung saan ang petsa ng sinagot kita. Tinawag-tawagan kita't tinadtad ng text, na 'yon pala'y blinock mo na ang number ko.

         “Mahal, malaya ka na. Ako’y magpaparaya kahit na hindi ko kaya. Alam kong mahirap sa umpisa pero kakayanin kong kalimutan ka kahit masakit na wala ka na. Malaya ka na~” huling mensaheng natanggap ko galing sa 'yo mula sa paborito mong grupo—Curse one. Yeah curse you!
Ang sakit, James. Ang sakit-sakit matapos sabihin ng best friend ko na 'yong classmate niya iyong bago mo. Puta. No'ng umaga kaka-break mo lang sa 'kin tapos no'ng hapon may bago ka na agad? 'Di ka ba aware sa three months rule? Ganiyan ba kayong mga lalaki? Na kung hindi cheater may bago agad?

          Naaalala mo pa ba na makalipas ang dalawang taon ay nakatanggap ako sa messenger ng “Pwede ba tayong mag-usap?” sunod ng “Pwede makipagbalikan?” Alam mo bang tumigil ang mundo ko? Naghalo-halo ang emosyon ko pero nangingibabaw ang sakit at pagkagalit ko sa 'yo. Naaalala mo pa ba kung ano-ano ng pinag-usapan natin hanggang sa tinanong kita kung bakit? At nakuha mo rin ang gusto kong ipahiwatig. Naaalala mo pa ba ang sagot mo? Bata pa tayo. Alam kong mahihirapan ka lang sa sitwasyon natin lalo na sa akin dahil mas bata ako sa ‘yo kahit isang taon lang ang agwat natin pero sana mapatawad mo ako. Sorry…” Nakakagago. Nakakatangina. Anong klaseng rason 'yon? Pero kinalma ko ang sarili ko't sinabing “Hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo…” kahit pa mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon.

         I stalk your FB account 'coz I fucking miss you. I really miss you and I regret of stalking you 'coz I hurt of what I've saw and read at your bio Ilovemygf.

         'yong sakit James parang kahapon lang. Bumalik—no 'coz it's still here. Bakit kahit ilang taon na ang lumipas mahal pa rin kita? Bakit sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat simula sa simula? Na kahit kalimutan ko'y naka-record na talaga sa puso't-isip ko.

          Ika-25 ng Septyembre taong 2018, nang isulat ko ang liham ko sa 'yong alam kong 'di mo mababasa… kaya James, for the last… I love you, Goodbye…

                                                         – Crush

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now