One Year, I Love You

23 5 4
                                    

Kahit maulan ay dinagsa ng mga tao ang pam-pamilihang bayan para makabili ng mga bulaklak at kandila para sa mamayang gabi.

Ingay dito, ingay doon. Tawag dito, tawag doon. Mga tinderang mabunganga para lang mabentahan ang mga paninda. Mga taong mamimili'y 'di alintana ang siksikan kahit nagkanda-bundol-bundol na sila sa isa't-isa. Buti na lang at matangkad ako, my advantage para sa ganito.

Dahil ayaw ko ng mapalayo pa't makipagsisikan ay kung ano na lang ang makita kong malapit na stall na nagtitinda ng mga kandila't bulaklak ay okay na, bibilhin ko na.

“Ale, ah ilan ho itong nakabungkos na?” tanong ko habang nakaturo sa bulaklak na napili ko.

Iyan? Wampipti lang ‘Noy.”

“Sige ho. Kukunin ko na ho ‘to. At heto ho’ng kandila na ito? Magkano ho?” tanong ko uli habang binabalot niya na sa malaking plastic ang napili ko para 'di masyadong magalaw ang arrangement ng bulaklak. Ihinarap ko sa kanya ang pinapaikot sa kamay ang kandilang hawak ko na kulay puti. Tama lang ang pagkakataba at ang pagkalaki nito—may laso pang ginto sa gitna.

Isang daan, Nonoy.”

Matapos niyang mabalutan ang mga pinamili ko sa kanina'y binayaran ko na siya ng sakto lang dahil naiinitan na ako—kahit umuulan naman—at ayaw ko ng maghintay pa ng isusukli niya sa akin dahil nasisik-sikan na ako.

Pagka-uwi'y iginilid ko muna ang mga pinamili ko at pumasok na sa kuwarto ko at agad na sumalampak sa kama para makatulog muna kahit ilang oras man lang dahil maaga pa dahil alam kong magdadamagan na naman kami nito mamaya.

~BRIIZK~BRIIZK~

Agad na napamulat ako ng marinig ko ang vibration ng cellphone ko.

Pagkakuha ko nito sa gilid ng higaan ay agad kong binuksan para basahin ang laman.

From: P’re Yugi

P’re, gising na!…

Imbis na katukin ako ay naisipan pang itext ako? Mga nagsasayang lang talaga ng load dahil alam kong tinatamad na naman ang mga ito. Tsk!

'Di na 'ko nag-reply at iginilid na lang ang cellphone matapos matignan ang oras.

7:28.

Maaga pa pero lumabas na ako dahil alam kong magsisi-inunahan na naman kami nito sa paggamit ng banyo.

Pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto nami'y amoy agad ng ginisang corn beef ang lumakbay sa pang-amoy ko.

Taena. Umagahan lang ang peg natin, Pitong?” tanong ni Siyam na kalalabas lang ng banyo habang pinupunasan ang basa niya pang buhok.

“Eh sana ikaw na lang nag-isip ng makakain natin ngayong gabi.”

Their twins. Kambal ang dalawang tukmol. Pero 'di mo sila masasabing kambal dahil fraternal sila not identical kaya nga fraternal ang sabi ko.

Laging nababangayan pero mga conservative. Feeling virgin.

And speaking of…

“Bye, babe. Text me later huh?”

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now