Ang Kuwento

8 2 2
                                    

Isang araw masama ang pakiramdamm ni Onto.

“‘To, namumutla ka.” pagpapahiwatig ni Naning.

“Lagi naman…” turan ni Onto. Bihira lang kasi akong lumabas. At ‘yong bihirang ‘yon minsanan lang talaga.”

“Pero mas malala ang pagkaputla mo ngayon, ‘To… higa ka muna at magpahinga.”

Kumuha si Naning ng maiinom at gamot para kay Onto. Ininom naman ito ng kaibigan.

Sabay sabing, Kuwentuhan mo ako ‘Ning habang nagpapahinga ako.”

“Sige.” masaya at pumapalakpak pang turan ng babae. “Mag-iisip muna ako ng kuwento na ikukuwento ko sa iyo.”

Isip naman ng isip si Naning pero wala siyang maisip na puwedeng  ikuwento para sa kaibigan.

“Maglalakad-lakad na muna ako sa beranda, ‘To…” paalam niya sa kaibigang nagpapahinga. Marahil makatulong na maka-isip na ako ng kuwento.”

Paroo't parito na si Naning pero wala siyang maisip na ma-ikuwento. Kaya napagpasyahan niyang pumasok sa loob at tumambling-tambling na lang.

“Ano iyang ginagawa mo ‘Ning?…” naguguluhang tanong ni Onto.

“Baka ‘pag naalog ang utak ko’y makatulong na maka-isip ng ma-ikuwento, ‘To.” hinihingal na anas ni Naning.

Ilang sandali pa niya iyong ginawa pero wala talaga.

Kinuha na lang niya ang tubig na nasa side table na binigay niya kay Onto kanina lang at nagpasalamat naman siya ng may natira pa't binuhos sa mga daliri niya ito at iwinisik-wisik ang tubig sa mukha niya.

“Bakit mo winiwisikan ang iyong sarili, Naning? Baka ikaw naman na niyan ang magkasakit…” pag-aalala ni Onto ng makitang masyado ng basa ang mukha ng kaibigan.

“Baka ‘pag nabasa-basa ang mukha ko’y makatulong ng maka-isip ng maiku-kuwento, ‘To…”

Sige pa din ng sige  si Naning sa ginagawa pero wala pa rin itong naiisip na maiku-kuwento para sa kaibigang nangangailan ng kaniyang kuwento.

Sa kayamutan ay inumpog na lang niya ang ulo sa pader.

Ito na lang ang maitutulong sa kaibigan para sana gumaling pero wala talaga siyang maisip… gano’n na ba talaga walang pumapasok sa kaniya na kahit ano wala talaga?

“Bakit mo inuumpog iyang ulo mo? Magkakabukol ka niyan…” tanong ni Onto.

“Sana maka-isip na ako ng maiku-kuwento sa ‘yo, ‘Toy… pagod na ko…” nawawalang lakas na sambit ni Naning sa kaibigan.

Maayos naman na ang kalagayan ko, ‘Ning… sa tingin ko’y ‘di ko na kailangan ng kuwento…”

“Ako na lang ang papalit sa ‘yo… nahihilo na ako, ‘Toy…”

“Gusto mo ako na lang ang magkuwento sa iyo, ‘Ning?” masayang tanong ni Onto kay Naning na pumalit na nga sa kaniya sa paghiga na kanina'y kinahihigaan pa lang niya.

“Sige! Kung may alam ka.”

Tumikhim muna ang lalaki bago nagsimula.

“Isang araw may dalawang magkaibigan, si Totoy at Nene. Si Totoy ay masama ang pakiramdam. Sinabihan niya ang kaibigan na magkuwento ng ito’y dumating para magbisita… si Nene ay ‘di maka-isip ikukuwento, siya ay nagpalakad-lakad sa beranda pero ‘di siya naka-isip… tumambling-tambling na siya pero wala pa rin, winisik-wisikan na ng tubig ang kaniyang sariling mukha at wala pa rin… at inumpog na ang sariling ulo sa pader ngunit wala pa rin talaga at ang resulta si Nene ay nahilo lang, sa awa ng Diyos ay mabuti na ang kalagayan ni Totoy. Kaya si Totoy ay bumangon na at si Nene na ang pumalit para makahiga sa kamang kinahihigaan lang niya at kuwenintuhan niya ito ng sana ay para kay Totoy… tapos. Ayos ba, Naning?” tanong ni Onto kay Naning ngunit walang sumagot. Nang tignan niya ito ay nakapikit na ang mga mata.

Napailing-iling na lang siya habang kinukumutan ang kaibigan.

—END—

Kristalalab'z One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon