Remember... I Love You

3 0 0
                                    

~Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move~

Tinupi ko ito ng maayos bago ko ihulog sa kaniyang locker at ipit pa ng tatlong tangkay ng puting rosas.

Nang makarinig ako ng yapak ay dagli akong tumago sa may gilid dahil tunog pa lang ng takong alam kong siya na iyon.

Tumigil siya sa harap ng kaniyang mismong locker, napangiti ako ng matapos niyang kunin ang bulaklak ay inamoy ito. Nang mabuksan na nga niya ang locker ay nahulog ang papel na nilagay ko, pinulot niya naman ito at kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Pigil hininga ako ng luminga-linga siya at matapos makuha ang pakay sa locker ay tinapon niya ito sa kalapit na basurahan, ang munting binigay ko.

~Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"~

Naghulog uli ako ng papel at nag-ipit sa seradura ng tatlong tangkay ng puting rosas.

Ilang buntong hininga muna ang ginawa ko bago nagtago na naman sa gilid. Ilang minuto ang hinintay ko bago ko narinig ang halakhakan nilang magkakaibigan.

“Uy Ella, ano ‘to? Sino ‘tong admirer mo? Ikaw ha!”
“Yie~”

Tukso ng mga kaibigan niya sa kaniya kaso'y iling lang ang natanggap nila dito.

And as usual hinulog na naman niya sa basurahan matapos amuyin at basahin ito.

“Ay… bat mo tinapon?”
“Sayang naman.”
“Sana binigay mo na lang sa ‘kin.”
“Ang bad mo talaga kahit kailan. Hmp!”

Komento ng mga kaibigan niya sa kaniyang ginawa. May sinabi siya ngunit 'di ko na narinig ng naglakad na sila papalayo.

~Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke - I'm just a broken-hearted man~

~I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I'm still in love with you?~

Ewan ko ba bat 'di ako nadadala. At ewan ko rin kung bat dalawa ang ilalagay ko.

~'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be~

~Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street~

~So I'm not moving, I'm not moving~

~Policeman says, "Son, you can't stay here."
I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year~

~Gotta stand my ground even if it rains or snows
If she changes her mind this is the first place she will go"~

Limang araw na siyang 'di pumupunta sa locker niya. Limang araw na rin akong naghihintay. Gano'n siguro. Ako 'di magsasawa kakalagay sa locker niya pero mukhang nagsawa na siya sa kaka-amoy, kaka-basa at kaka-tapon ng mga bulaklak at ng pirasong papel na binibigay ko.

~People talk about the guy who's waiting on a girl, oh, oh
There are no holes in his shoes but a big hole in this world, hmm~

~And maybe I'll get famous as the man who can't be moved
Maybe you won't mean to but you'll see me on the news~

~And you'll come running to the corner
'Cause you'll know it's just for you
I'm the man who can't be moved~

~I'm the man who can't be moved~

“So tama ang hinala ko.”

Napatigil sa ere ang sanang paghulog ko. Biglang bumundol ang kaba ko ng marinig ang boses niya sa likod ko.

“The smell, the penmanship, the rose…”

Paktay!

Napapikit na lang ako habang nagdadasal na sana mali ang narinig ko't imahinasyon ko lamang ito pero umatake ang kahihiyan ko ng marinig ko uli siyang magsalita.

“Bat ‘di ka makaharap? Cut got your guts, huh?”

Malalim akong bumuntong hininga bago unti-unting humarap sa kaniya.

Isang naka-unipormeng babae ang tumambad sa akin habang nakahalukipkip.

“Can you please explain this bullshit to me?” taas kilay niyang saad ngunit bakas sa boses niya ang pang-iinsulto.

“Ella—”

“Oh crap!” tumagilid siya habang sapo-sapo ang noo. “Stop calling my name.” nanlilisik ng mata ang hinarap niya sa akin. “You what?… I hate your guts. I hate your guts na matapos mo akong kalimutan…” napalunok siya matapos matigilan, “…lalapit-lapit ka na ngayon?” pinagbabayo na niya ngayon ang dibdib ko. “Lalapit ka na parang ‘di mo ko kinalimutan? Asan ‘yong—”

Natulos siya sa kinatatayuan matapos kong tawirin ang aming pagitan at yapusin siya. Doon ko lang naramdaman na nanginginig ito.

“Shh… Ella, w-wala pa akong naaalala ngayon pero ito,” sabay lagay ko ng kamay niya sa dibdib ko, “ito, naaalala ka nito. Pasensya—”

“Kainin mo ‘yang sorry mo—”

“Kinain ko na ‘yong pride ko pati ba naman ‘yong sorry?”

Kumalas siya sa yakap ko't tinitigan ako ng mabuti.

Pambihira talagang babae 'to uh-uh.

“Wala akong pakialam diyan sa pride at sorry mo. Magtiis ka! Galit ako!—”

“Saan naman ang kinagagalit mo? At least kahit papaano—”

“Basta galit ako… pero dahil mahal kita oh.”

Napakurap-kurap ako matapos kong kunin ang binigay niya.

“T-Totoo ba ‘to? ‘Di ka n-nagbibiro?”

“Sa tingin mo nagbibiro ako? Hoy! Binigyan lang kita niyan kasi nakokonsesiya po ako sa mga binigay mong si basura lang ang nakikinabang. At kahit ‘di ako fan ng The Script sasamahan pa din kitang manood ng concert nila! Kung ba’t naman kasi sila pa ang nagustuhan mo? Buti sana kung Westlife, Backstreet boys o A1 ‘yan malamang tinago ko pa sulat mo. Alam ng pale orange ang favorite kong rose, puti pa ang binigay. Nananadya ka talaga eh ‘no?” sabay duro pa sa akin habang napapairap ito.

Mabuti naman at 'di nahahanginan ang mata nito?

“Ella?”

“Ang haba ng sinabi ko tapos tatawagin mo lang ako sa pangalan ko, Ryle?!” sarkasmong aniya.

“Ella-byu…” napatigil siya sa pagpapaypay ng sarili gamit ang kamay.

“I-I thought wala ka pang n-naaalala?” takang tanong niya. Ngunit kinibit balikat ko na lang sabay abot sa pang-huling papel.

~Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move~

—FIN—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now