Untitled

2 0 0
                                    

Kasabay nang ugong ng byolin ang pagkabog din ng aking dibdib habang ako'y naglalakad sa pulang karpet ng pasilyo.

Iyakan at hagulhulan ang naririnig ko mula sa mga taong naririto na nakiki-simpatiya sa akin ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ikakasal na ako sa lalaking mahal ko.

Nang papalapit na ako'y laking tuwa ko ng halos lahat ay takot sa akin. Ito ang kasiyahan ko't walang makakapigil sinuman. Nagmamahal lang ako at walang rason para 'di ko pagbigyan ang sariling kaligayahan.

Lahat ay nakaputi at ako lamang ang naka-itim, simbolo ng pagiging balo ko. Ngunit bago pa 'ko makalapit sa kabaong ng aking mahal ay may humablot na sa aking inayusang buhok para sa araw na ito. Nahulog ko tuloy ang hawak na lantang bulaklak kung saan iyon ang unang regalo na kaniyang ibinigay sa akin.

Hiyawan ang bumalot matapos akong kaladkarin ng sumabunot sa akin papalabas ng kapilya.

“Bitawan mo ang anak ko!” sigaw ng aking ama't ina ngunit agad silang nahawakan ng mga pulis kung saan ikinatigil nila ang paglapit sa akin.

“Walang hiya kang kabit ka! May gana ka pa talagang pumunta dito matapos mong patayin ang asawa ko?” sigaw niya matapos kong mapadapa sa semento. “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo. May sira ka talaga sa utak! Nasa pangkaisipan ka na pero nandito ka pa din?”

“Mas gugustuhin ko pang mawala siya kaysa hindi siya maging sa 'kin kahit konti!” pananangis ko sa kaniya. Gaya nga ng sabi ko, nagmahal lang ako.

Sasampalin na sana niya ako ng masangga ni mama ang kaniyang kamay.

“H’wag mong masaktan-saktan ang anak ko. Mas ikaw ang baliw sa inyong dalawa. Ikaw ang may maayos na utak pero baliko naman ito. Bakit hindi mo na lang siya pagpasensiyahan sa kaniyang sakit bagkus ito'y iyong hinuhusgahan mo pa?—”

“Kasi pinatay niya ang asawa ko!” sigaw nitong halos lumabas na ang kaniyang bituka.

“Kung pinagbigyan mo lang kasi ang kanilang pagmamahalan hindi mangyayari sana ito! Oo nga’t ikaw ang asawa pero hindi naman ikaw ang mahal!”

Halos lahat ay natigilan sa isinigaw ni Papa. Ito ang gusto ko sa lahat 'yong kaawaan ako't pagbibigyan sa lahat ng gusto ko.

Lumapit sa akin ang mga pulis para posasan ako ngunit “Gusto ko munang kausapin siya,” paalam ko para masunod lamang ang mga plano ko.

Siya na mismo ang lumapit sa akin matapos tanguan siya ng mga nagbabantay sa akin.

“Mahal ko siya bilang lalaki at mahal din kita bilang kaibigan. Pasensiya na lang kung iniputan ka namin sa ulo… mahal lang namin ang isa’t-isa. Pero mas sasaya ako kung ikaw na ang susunod sa kaniya!”

“Ah!” isang mababang ungol ang inilabas nito matapos kung isaksak sa kaniyang tagiliran ang balisong na aking dala. “B-Baliw ka! Ba—liw!…” saad nito habang lumalabas na ang dugo sa kaniyang bunganga.

“Maling-mali ka ng binangga, kaibigan,” ngisi ko sabay tapik sa pagitan ng kaniyang likod at balikat.

Ako na mismo ang lumapit sa mga pulis para ipaubaya ang sarili.

—fin—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now