Untitled

1 0 0
                                    

End school year is coming kaya naman gahol na ang halos lahat sa mga requirements at paper works lalo na sa papalapit na final examination.

"Ba't 'di ka nag-rereview?" nakatingin lamang ako sa mabughaw na kalangitan ng itanong niya sa 'kin iyon, ang boyfriend kong si Dirk.

Tumingin ako dito sabay hilig sa kaniyang balikat. "Anong irereview ko? Eh puro pangalan mo nakasulat sa notebook ko."

"Beng!" sigaw ng isa niyang kaibigan habang naka-upo sa taas ng punong aking kinasasandigan.

Nasa school garden kami. Vacant namin total mga parehas lang naman ang aming kurso.

Business administration isn't my style. Ngunit dahil sa undecided pa 'ko kung anong course na lang niya ang kinuha ko din. Ewan, 'di pa kasi ako handang pumasok sa kolehiyo pero dahil sa tumatanda na mga magulang ko'y kailangan ko na din naman silang tulungan.

Agad naman nitong pinisil ang aking ilong kung saan natampal ko ang kaniyang kamay. "Naughty..."

"Tama na harot at time na oh," sabi ni Dura, ka-block namin habang nakatingin sa kaniyang relo.

Agaran naman kaming nagsitayuan at ng kapapasok pa lang namin sa classroom ng dumating din ang aming proctor na siyang magpapa-exam sa amin ngayong oras na ito.

At bago ito magsimula ay nagpa-oral recitation muna ito kung saan ikinabigla namin dahil wala naman itong sinabi na may ganoon pala. Kaya naman bulungan ng kung ano-ano ang nga ka-block ko habang ako'y 'di na mahitsura ang mukha dahil sa biglaang pagtawag sa 'kin para ako ang mauna.

Tumingin ako sa aking mga kaibigan pero thumbs up lang ang natanggap ko. Habang ang boyfriend ko'y walang boses na binigkas ang salitang "you can do it, I love you."

Napatingin agad ako sa aming proctor ng tawagin ako nitong muli.

"So Ms. Manuel, 6+4=210 and 9+2=711 and 8+5=313 and 5+2=37 and 7+6=113 and 9+8=117 and 10+6=416 and last but not the least 15+3=1218. This is a little intelligence test, how come this to happen?"

Dahil sa sobrang kaba'y na mental block ako kaya wala akong nasagot.

"Sorry sir, I didn't know the answer," nakayukong saad ko.

"Ano?! Diniscuss na 'yan sa inyo last year ah?"

'Lesson nga kahapon 'di ko matandaan, last year pa kaya?' napairap na lang ako sa naisip ko.

"Mga bata talaga sa kalandian ang aalaman niyo pero sa- Yes Mr. Manansolo? Why are you raising your hand?"

Napatingin ako kay Dirk na nakataas ang kanang kamay.

Nakatingin lamang ito sa 'kin habang tumatayo.

"First subtract the digit to get unit place and tens place and then add the digit to get hundred place," preskong sagot nito sabay upo.

I rolled my eyes heavenward. Thank you, babe, thank you. Insert sarcasm.

Kung ano-ano pang narinig ko sa aming proctor bago ako nito pinaupo at magtanong naman sa iba.

"You may now visited Ms. Manuel."

Pagkatapos ng oral recitation ay agad na niya kaming pinag-exam. Warm-up lang naman daw 'yon para kahit papaano makatulog sa exam namin ngayon. Whatever!

Nang matapos naming mag-exam ay pumunta na lang daw kami sa kaniyang office para makuha ang aming mga scores.

"Sabi sa 'yong mag-review ka eh. Tamo tuloy." sumbat niya pagkalabas namin ng room.

Imbis na pagtuunan ng pansin 'yon ay binalewala ko na lamang. Nangyari na eh. Magagawa ko pa ba? Dumeritso na lamang akong canteen para magtanghalian. Pakakain nami'y imbis na umuwi na ay diretso agad kami sa office ng aming proctor para kuhanin ang test paper.

Nagbatian muna kami bago tawagin na naman aking aking pangalan

"Take your exam paper Ms. Manuel, you've got 28/100." sabay baba pa ng kaunti ng kaniyang salamin sa mata para tingnan kami isa-isa.

Nagtawanan naman halos lahat ng aming kasamahan. Napanguso na lamang ako. Ano pa bang aasahan ko?

"Highest siya," muling saad ng aming proctor kung saan nagsilapitan sila para makita ang kani-kanilang scores.

"H-How come?" napatingin ako kay Dirk pero nakasandig lang ito sa may mesa habang nakahalukipkip. Nilapitan ko ito at agad inagaw ang test paper niya't tiningnan ito.

"Ba't ka naka-seventeen lang? D-Dirk? Dapat ikaw 'yong-"

Nilapit niya ang kaniyang hintuturo sa labi ko kung sa'n napahinto ako't sabay hila sa 'kin palabas ng office.

"I hate honors, I hate compliments, I hate high grades, I hate the current system of educational nowadays, it's a matter of survival and it's not about the learning purposes- all I want is me and you TOGAther with our diploma," saad nito habang naglalakad kami sa may hallway papalayo sa office ng aming proctor.

"Whatever..." sabay irap ko.

"Yiee.... kinikilig ka lang eh," sabay tukso nito sa 'kin.

"Hindi ah, umayos ka- Dirk!" sabay sapak ko na sa kaniyang braso ng kilitiin na ako. He gave up habang nakataas ang kaniyang mga kamay.

"Hahaha... c'mon uwi na kita."

~*~

Habang papalapit ang pagtatapos ay kinakabahan ako sa 'di ko malaman na dahilan.

"Anak, nasa labas na si Dirk. Kanina ka pa diyan labas na."

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko't isang sulyap sa salamin bago ako lumabas at bumungad sa 'kin ang boyfriend kong napa-gwapo sa kaniyang slack and long sleeve na suot habang nakasabit ang toga sa kaniyang kanang braso.

"Sa lahat ng couple shirt na sinuot natin ito 'yong pinaka-nagandahan ko," bungad niya pagkalabas ko. Uminit naman ang pisngi ko't salamat naman at naka-make up ako.

"Yes, wearing toga is much better than wearing couple shirt mga anak."

Nagtawanan naman kaming anim- kasama niya mga magulang niya gaya ko.

"Oh siya, 'lika na't baka ma-late pa tayo.

"Ito ang pinakamalupit na porma mo," anas ko habang papasok na kami ng venue.

"At ikaw naman ang pinaka-maganda ngayong gabi."

"Sus... bola!"

After the ceremony and the program, speech na niya para sa pagtatapos bilang isang Magna Cum Laude.

"Ehem... first I would like to thanks to my family and also to my girlfriend. Wearing this toga is absolutely not a measurement of my success. The true measure of success is how I bounce back from failures and the joy and fulfillment it gave which I am wearing right now and for the lifetime.

"I more than blessed to have God who strengthens me and a very supportive family and girlfriend who's always at my back in every endeavor I take. I love you always.

Dirk Manansolo
Master in Business Administration
Meritissimus in Oral Revalida
Are now signing off.

"Kudos 2019 Graduates!"

Wala mang nakakaiyak sa sinabi niya pero naiiyak ako pati na rin aming pamilya.

"You made it guys! Congratulations! I'm gonna die hahaha..."

"Stop it ma, 'di pa pwede. Lalasapin mo pa una kong sweldo."

Mas natawa sila sa sinabi ko. Naman eh. Seryoso ako.

"Wait picture muna." sabay kuha ng cellphone ng mommy niya't pinicture'an kaming dalawa. "Post niyo sa IG niyo dali..." nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa kakulitan ng nanay niya.

'Wearing toga is one of my best #OOTD
Holding diploma is one of my best license'

-fin-

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now