Simbang Gabi

4 0 0
                                    

Matutulog na sana ako ng maisipan ko munang mag-online. Sanay na kasi akong bago matulog na cellphone muna ang hawak.

Inabot ko ang aking cellphone na naka-charge sa may gilid at ng ma-on ko ang data ay sunod-sunod na notifications at messages ang natanggap ko.

Hinayaan ko lang na mag-pop up ang mga messages ko sa messenger habang todo scroll muna ako sa aking newsfeed.

“Sino pwede maka-sama bukas na mag-simbang gabi?”
👍          💬         ⤴️

Oh mga paalala diyan para sa mamaya;
SIMBANG GABI
HINDI

Simbang tabi
Simbang japorms
Simbang landi
Simbang tamad
Simbang lagim

Kaya tayo nasasabihan kung pag-asa pa ba daw tayo ng bayan eh😔
👍         💬         ⤴️

Ilan lamang 'yan sa mga nabasa ko at 'yong iba'y pa ulit-ulit na sa kaka-share at kaka-plagiarized.

Nang buksan ko ang aming gc'ng magkakaibigan ay mga nagkakayayaan lang naman silang magsimbang gabi.

Brendz: Mga uy, ano simba bukas? Bet?

Seen by Iris, Aril, Elma

Brendz: Ay nyeta! Mag-message kayo! Ang ganda ng mukha niyo ‘pag nakikita ko ‘yang maliit na bilog sa baba. Kaloka!

Seen by Tala, Jhen, Issa, Aril

Jhen: Kung sasama si Iris, sasama ako.

Seen by Elma, Iris, Issa

Issa: Sorry I can’t come. Strict parents here.

Seen by Tala

Tala: As usual🙄

Seen by Issa

Issa: Duh! Geh nytie pwends😚😴

Seen by Brendz, Aril, Elma

Brendz: Sino sasama? Tala, sunduin na lang kita.

Tala: Woki👌

Seen by Iris, Elma, Jhen, Aril

Brendz: Ano sasama ba kayo o hindi?

Seen

Iris: Jhen, magsunduan na lang tayo kung sino man ma una sa atin kasama ko si Aril. Brendz and Tala sa may plaza na lang ang tagpuan.

Elma: Jinja? Oh c’mon. I’ll come! I’ll come! I don’t want to miss the simbang gabi ‘coz ya know maga-grant daw ang wish mo once na ma-complete mo ang siyam na gabi. Ahk!…

Seen

Aril: Bahala ka Issa, palagi na lang. Simba naman ang pupuntahan natin eh.

Seen

Tala: Tulog na! O baka nagbabasa na naman ang isang iyon.

Seen

Brendz: So it settled then. Tala, Elma, Aril, Jhen and Iris sa may plaza huh! G’nyt.

Matapos kung mabasa at makipag-usap ay naglog-out na 'ko.

Nagdasal muna ako bago ko ipikit ang aking mga mata.

Si Brendz ang nag-iisang lalaki-- or should I say na binabae. Elma is a sosyalin and a conyo one, Iris and Aril were siblings and Jhen are they're cousin and Issa whom have a strict parents na kahit sa'n man kami pumunta or mag-jamming ay 'di pwede kaya minsan todo takas na lang peg niya.

~*~

Palabas na sana ako ng bahay para do'n na lang hintayin si Brendz ng pababa na din siya. Magka-barangay lang kasi kami mga limang bloke pa sa bahay hanggang sa kanila.

Nang makasakay na kami sa tricycle at makababa sa bayan ay agad kaming dumeritso sa plaza kung sa'n ang nasabing tagpuan.

“Sabi na nga ba! ‘Di ako nagkamali eh! Mga pa-VIP ang mga loka!”

Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating si Elma with her fashionable aura and garb. As usual. Kung saan sa likod niya ang dalawang lukaret na laging late.

“T-teka, asan si Aril?” tanong ko ng mapansing sila lang dal'wa.

“Hayun at simbang banig slash simbang tulog.” si Elma na ang sumagot sa tanong ko para kay Iris mula sa nakababatang-kapatid.

“Kung gano’n ba’t late na naman kayo?” Brendz ask.

“‘Di ka pa masanay diyan sa dalawa fafa Bryan without a, eh lagi naman—”

“Tseh! Tumahimik ka!” napatigil naman si Elma sa singhal ng aming binabaeng kaibigan.

“Si Jhen kasi eh. Nang dumating ako sa kanila paligo pa lang.”

“Reason Iris, reason,” untag ko sa kaniya ng may kasamang irap.

“Ikaw talagang pilosopa ka!” sabay gigil na naman sa pisngi ko.

“Oh tama na ‘yan halika na sa loob at nagsisimula na.” turan ni Elma na nakapagpatigil sa tatlo.

At gaya nga ng dati'y gano'n na naman sila. Kami lang naiwan ni Elma dahil nagkaniya-kaniya na ang tatlo.

Kami ni Elma'y simbang tabi ang tema dahil puno na sa loob ng tingnan namin. At si Elma nga nawa'y masasabi kong simbang japorms dahil sa suot nitong kala mo naman laging rarampa. Si Aril, simbang tamad. Si Issa, simbang strict ang parents. Si Brendz, Jhen at Iris, simbang landi ang tema.

Napaisip akong mabuti mukha ngang tama ang mga nababasa ko sa social media. Mukhang 'di naman sinasa-puso ang pagsi-simbang gabi. Pero 'di ko lang alam sa iba dahil sa nakikita ko sa mga kaibigan ko'y mukhang ganoon na nga.

Pinalibot ko ang aking mata sa paligid. May kaniya-kaniya ang bawat isa. May nakikipag-date, may nagsusuntukan na sa parteng madilim, may nagtsi-tsismisan at kung ano-ano pa. Like hello?! Ano ba pinunta nila dito?

Napadako ang paningin ko sa napaka-laking Christmas tree sa mismong gitna ng plaza na napapalibutan ng design ni Santa Claus at ng nagkikinangang Christmas lights.

Napatanong ako, bakit si Santa Claus ang design ba't hindi ang mismong HesuCristo?

Santa is just a symbol but Jesus is the real meaning of Christmas…

Biglang humihip ang malamig na hangin kung kaya't naiyakap ko ang sariling braso sa akin.

Noong magsisimbang gabi ako halos 'di na ako makaraan sa mga nagpuputukang mga paputok.

Noon halos lahat ng palibot ay may makikita kang nagtitinda ng putobungbong, bibinka't kotchinta ngayon 'di na lalagpas sa tatlong daliri ko ang nakikita kong mga nagtitinda.

And I realize one thing, tao ba o ang panahon mismo ang nababago?

Christmas is getting sadder ang colder as we grow up…

—fin—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now