Liptint

5 0 0
                                    

“Ano ‘yan?”

“A-Alin?” maang-maangan ko sa kaniya.

“Anong alin? Iyan oh!” sabay duro nito sa labi ko.

Ngumuso naman ako sabay hawak dito.

“Ito ba? L-Liptint…” sabay iwas ko ng tingin at kung sa'n-sa'n na ito naglililikot maiwasan lang ang kaniyang titig. Nakita na niya eh, napansin pa niya pa'no pa ‘ko makaka-sinunggaling? Mata talaga nito parang tarsier eh-- tarsier naman talaga.

“Anong liptint? ‘Di ba sabi ko bawal--”

Bago pa niya matapos ang kaniya na namang sistemunya ay inunahan ko na siya.

“--mag-liptint o lipstick, bawal ang make-up, bawal ang kolorete sa mukha, h’wag gawing coloring book ang mukha! Naman Mr. President, matanda na tayo-- kami alam na namin ginagawa naming classmate mo. Mga magulang nga namin ‘di kami pinagbabawalan nito eh. Tss! ‘Di ko alam kung papansinin ka lang o ano eh.”

Kalalabas ko lang ng C.R at ito agad na lalaking 'to ang bumungad sa akin na alam na naman sigurong nag-retouch ako.

“Eh bakit pa ako ang pinili mong maging Presidente ng klase kung ‘di mo lang din ako susundin?”

Natahimik naman ako sa kaniyang tanong. Kailangan ko pa ba talagang sagutin iyon? Eh maski nga ako natatanong ko rin ‘yon sa sarili eh.

Aalis na lang sana ako ng harangan niya ako na para bang nagpapatintero kami dito ng walang ano-ano'y kinorner niya ako sa may pader.

Agad ko naman siyang natulak. “Naman, Pres--” pero mukhang napasandig lang ako sa pader lalo sa ginawa ko.

“Hmm… Pres is beautiful to my ear but I miss your voice utter a word of my name--” agad siyang napaatras ng mag-bell na… oh god, thanks for the bell.

“Alisin mo ‘yang nasa labi mo kung ayaw mong ako niyan ang umalis gamit ang akin,” anas niya bago ako talikuran.

Lito man sa kaniyang sinabi ay wala akong pakialam. Eh sa ang putla-putla ko eh. Alangan namang pabayaan ko lang ang sarili kong labi na magbitak-bitak na sa sobrang tuyot.

Alanganin man ay sumunod pa din ako sa kaniya pabalik sa aming room.

Papalapit pa lang kami sa aming upuan ay agad ng nagtinginan sa amin ang buong klase. Napatingin din ako sa kaniya na ang talim na naman ng titig sa akin.

Problema ng abnoy na 'to. Dami-daming naglilipstick dito sa room na kulang na lang pumutok na ang mga labi dahil sa sobrang pupula eh.

“Argh… nakakainis kang tukmol ka!” sa isip ko lang naman dapat 'yon eh kaya ayan tinginan na naman ang lahat.

“Tanggalin mo sabi ‘yang nasa labi mo kung ayaw mong labi ko pa ang tumanggal diyan.” sabay upo nito sa kaniyang upuan.

Naiwan na naman akong nakanganga dito habang walang patid sa pagtukso ang buong klase sa amin hanggang sa mag-uwian.

~*~

“‘Di ka talaga marunong sabihan ano?”

Agad nahulog ang aking hawak na liptint na lalapat pa lang sana sa aking labi.

Imbis na pulutin niya ito dahil sa banda niya gumulong ay umupo lang siya sa aking tabi.

“Hoy! Pulutin mo naman oh.” tumaas lang ang kaniyang kilay habang ako nama'y walang patid naman kung abutin ang liptint ko. Ayaw kong tumayo eh baka makorner na naman ako ng ugok na 'to.

“Gusto mo talagang mahalikan ano?” napatigil naman ako sa pag-abot at agad na tumalin ang tingin sa kaniya habang siya nama'y humalakhak sa kaniyang sinabi na wala namang nakakatawa.

“Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba sa akala mo? Eh presidente ka lang naman sa klase at hindi sa buong bansa. You want to know why I nominate you to become a president? Because you're an asshole!”

Tumayo ako sabay kuha ng liptint sa bandang paanan niya pero naunahan niya ako kaya imbis na ito ang mahawakan ko ay ang kamay niya ang nalapatan ng aking palad.

Agad ko naman itong inalis ng may maramdaman akong kuryenteng dumaloy sa katawan ko't pagkilabot ng sistema ko.

Inayos ko ang tayo ko't tumikhim muna bago hinarap ang palad sa kaniya. Pagtataka namang tinitigan ako nito pero mas lalo ko lang hinarap sa kaniya ang nakabukas kong palad.

“Give me that!” maayos kong hingi sa kaniya pero mukhang wala atang nadinig ang bugok.

“Ito?” sabay ipit nito sa gitna ng kaniyang daliri at hintuturo habang tinataas sa harap ko “Oh…  d’you really want to be kissed huh?”

“Aba’t--” naiwan sa ere ang ano man sanang pagbuga ko sa kaniya ng buksan niya ito at walang ano-anong pinahid sa kaniyang labi.

My jew dropped for what he doing.

“A-anong… b-bakit…” ni ‘di ko man lang matapos-tapos ang gustong itanong sa kaniya.

He smile inwardly before face me.

“You why I don’t want you to coloring your face? It’s because you give them assurance to admire you… and I’m fucking jealous. Damn that jealous, Dae. Fucking hell jealous when you smile at them back while for me seems like I’m the burden of your life--”

“W-What are you talking about--?” agaran niyang nilagay ang kaniyang hintuturo sa aking labi.

“Shh… Tint before you speak.” sabay lagay nito sa kamay kong kanina pa nanginginig kaya nahulog ang kinalabasan.

Tumaas naman ang kaniyang kilay habang may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

“R-Ryro, can you just e-enlighten me?”

“I love you.” unti-unti naman lumaki ang aking mata hinihintay na kung sasabi ba siyang biro lang pero “Ba’t mo hinulog? Ba’t ‘di mo ipahid sa labi mo?”

“Ryro--” wala na. Finish na. May nanalo na.

Napakurap-kurap ako kung tama ba ang ginawa niya pero napakagt-labi na lang ako matapos niyang ilapat ang kaniyang labi sa akin.

“Told yah’ pero mukhang mali eh. Ako pa tuloy ‘yong nag-liptint sa ‘yo…”

“I-Is this r-real, Ry?” he nodded countless.

It's feel like surreal.

“And I know you love me too,” sasabat pa sana ‘ko ng ‘di man lang ako pinasalita ng ungas. “Kung kani-kanino ko pa nalalaman ang pag-ibig mo sa 'kin eh…” sabay pingot neto sa aking ilong.

“Love you too…” and I smiled back.

“That smile, Dae. That smile of yours.” naguguluhan naman akong tumitig sa kaniya.

“So you see, that’s where the trouble began? That damn smile of yours with coat of liptint…”

—FIN—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now