Katorse

4 0 0
                                    

Minamahal kong ama,

         To the man who I always look up to; To the leader I always admire since then; To the man who always out me to my limits; Papa… thank you so much for everything! On your 57th birthday, I wish you nothing but the best in life. You deserve happiness in this world. May you continue to ignite our fired-up spirits and bring the best in us. I will forever be thankful that I have someone like you.

         Hi, Pa! Today is the new page of your life. It’s just the first day of another 365-day of your journey.
First of all… Your soul is pure, your heart is priceless, and your wisdom is astounding. Pa, I may be all grown up but in my heart I will be your little girl. You're the greatest gift I’ve ever had from God, words are not enough how much you mean to me. Thanks for everything. To the world your just a father but to me you are my entire world.

         Ngayon sanang araw ng mga puso’y napasaya kita sa munting handog ko. Pagpasensyahan niyo na po at ‘yan lang ang nakayanan ng ipon ko… ay oo nga po pala ‘di pa pala kita nababati, happy Valentine’s day ‘tay, dito ko na sasabihin dahil alam mo namang ‘di ko na naman masasabi sa iyo ito ng personal. At bago ko din po pala makalimutan ‘tay, happiest birthday din po. May the handsomeness and happiness surround you ‘tay… ayaw ko na po ‘tay magdrama. Ito lamang po sana at maraming salamat sa lahat, I love you, ‘ta. May God bless you always. Mwahmwahtsuptsup!

Nagmamahal,
Ang dyosa niyo pong Anak ;")

Muling basa ko sa sulat na kagagawa ko lamang matapos kong ihain ang mga pagkaing kaluluto ko para sa araw na ito. Nang makitang okay naman na ang isinulat ay hinanda ko na ang sarili ko sa maaari na namang gawin sa akin ng aking magaling na ama.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa paghihintay bago ko narinig ang motorsiklong kaniyang pampasada.

Napatingin ako sa aming orasan na nakadikit sa may dingding ng makitang pasado alas onse na itong nakauwi. Tamang-tama at 'di pa tapos ang kaniyang kaarawan, may ilang oras pa para makapag-selebrar kaming mag-ama.

“M-Mano po, ‘t-‘tay…” bungad ko sa kaniya pero gaya nga ng dati'y tinabig na naman niya ang kamay ko.

Tumungo sabay ng pagbuntong hininga na lang ang aking nagawa. “K-Kain na p-po kayo ‘t-‘tay, mukhang p-pagod po kayo sa p-pagpapasada’t para m-makapagpahinga na din po ka-yo.”

Igigiya ko sana siya sa hapag-kainan ng bigla na lang itong umupo doon. Nahagip pa ng pang-amoy ko na amoy alak na naman siya. As usual ano na naman bang aasahan ko sa magaling kong ama na gabi-gabi na lang umuuwing lasing?

Nang na-upo siya'y umupo na din ako sa harap niya. I was just playing safe with my moves. Dahil isang mali ko lang, kamay na naman niya ang makakalaban ko ngayong gabi.

Habang kumakain kami'y ilinabas ko na ang munting regalo sa kaniya sabay bigay ko rito. Isang tingin lamang niya ang pinukol sa 'kin bago kuhanin ang ini-abot ko na kalaunan ay tinapon sa mukha ko matapos niya itong tingnan.

“Ano namang pakialam ko sa grado mo? Aanhin ko ‘yang nobenta mo sa cards eh kung nobenta pesos 'yan natuwa pa ako… bakit mabubuhay ba niyan ang nanay mo? Bakit maibabalik ba niyan ang nanay mo? ‘Di ba hindi? ‘Di ba?! Kaya h’wag mo akong iyak-iyakan diyan. Pera ang gusto ko hindi itong walang kwentang pagkain mo. Pera ang gusto ko hindi ‘yang grado mo. Nanay mo ang gusto ko hindi ang lahat ng ‘yan lalo na ikaw!” he burst out while pointing his index finger on me. Napatingala ako ng sabunutan niya ang buhok ko't kinaladkad papasok sa kaniyang kuwarto.

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now