I Love You Two

4 1 0
                                    

Nothing beats the silence of the library…

Anas ko sa isip pagkaupo ko matapos mag-logbook ng may biglang nagtakip sa mata ko.

“H-hold up ba ‘to kuya?” agaran kong tanong ng maramdaman ko ang gaspang ng kaniyang palad sa may mata ko.

“Relax lang. Manliligaw lang ako…” nagsitayuan ang mga balahibo ko matapos niyang maibulong ang mga katagang iyon.

That voice. I know that voice. His voice. His voice that makes my heart beat so fast.

Maling akala.

Naitawa ko na lang ang hiya matapos niyang tanggalin ang isang kamay ng tumambad sa 'kin ang isang palumpon ng pinaghalong pula't puting rosas.

“Happy birthday…”

Tumabi siya sa 'kin matapos kung tanggapin ang bulaklak.

“How’d you know?” kagat labing tanong ko sa kaniya.

“Can you at least thank me first?” tumabingi ang kaniyang ulo kasabay ng pagpatong ng siko sa mesa.

“Thank you then but don’t tell me you’re my…”

“Stalker.”
“Admirer.”

Panabay na saad naming dalawa kung saan naitawa na lang namin sa huli.

Gotta go… your best friend is here. Pick you up later. Bye.” matamis na ngiti muna ang ginawad niya sa 'kin bago umalis.

“Rooftop tayo dali…” uupo pa lang sana siya ng hatakin ko na ito.

Nang nasa taas ay 'di ko na napigilan ang kilig na nadarama.

“Ah…” todo sigaw ako sa taas habang 'di mawala-wala ang matamis na ngiti sa aking labi.

“Binigyan ka lang ng bulaklak kala mo may forever na. ‘yong iba nga binigyan ng anak iniwan pa.” sabay irap nito sa 'kin habang nakahalukipkip.

Tse! Inggit ka lang.”

“Hoy, Bertillon! Bat naman ako maiinggit sa ‘yo aber?”

Eww… that gross name. I said don’t call me that yucky name.”

Taray! ‘pag sa akin lumalabas ang kaartehan pero kay Hassan ang pabebe. Naku! Susumbong kita sa tatay mo—”

“Uy walang ganyanan…”

“Naku! Umayos ka!”

Sabay peke ko ng ubo at boses lalaki.

“Yes ma’am!”

Umirap pa rin siya sabay talikod at harap sa malabunduking tanawin…

Ilan sandaling namutawi sa 'min ang katahimikan habang inaamoy-amoy ko ang bulaklak.

“You have a party later. Can we go together?”

“Hassan will pick me up after the class. Maybe late na ako makakauwi.” kibit-balikat kong anas sa kaniya.

“Oh… gano’n ba?… b-baba na tayo baka nagsisimula na klase na ‘tin.”

~*~

Gaya nga ng sinabi niya ay sinundo niya ako papunta sa 'di ko alam na distinasyon.

“We’re are we going?”

Kristalalab'z One Shot CompilationKde žijí příběhy. Začni objevovat