Copy

0 0 0
                                    

Kasulukuyan akong nagre-review para sa maya-mayang long quiz ng aming guro dahil ilang minuto na lang ay magbe-bell na't papasok na ito.

Ilang segundo na akong nakayuko dahil sa pagbabasa ng biglang may tumabi sa 'kin, and feeling bad boy ng campus. Napaikot na lang ako ng mata nang maamoy ko na naman pabango nito.

“Baho,” komento kong 'di ko namalayang napalakas pala.

“Look who’s talking…” naramdaman kong tumunhay ito sa 'kin pero ang mata ko'y natatutok pa din sa librong binabasa ko at 'di ko na din alam kung sa'n na ba ako banda nagbabasa dito.

“Alam mo babae, kakadating ko lang ‘yan agad bungad mo sa 'kin? Imported to uy! Baka ‘yang sarili mo lang ang na aamoy mo?”

Binagsak ko ang librong hawak at humarap ako sa kaniya na wrong move kasi ang lapit niya pala sa 'kin. Ilang hibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

“Careful to your move, babe. You might kiss my virgin lips. Magagalit si mommy ‘pag nagkataong malaman niya.” ngumisi pa ang gago.

Antipatiko!

“Alam mo mister-antipatiko, unang-una wala akong balak halikan ‘yang labi mong puno ng kahanginan. Pangalawa, my perfume is Victoria secret, how’d you call it mabaho?“ 'di ko alam pero bakit ako ang napipikon sa 'ming dalawa?

“Wala akong sinabing mabaho ang pabango mo, sabi ko lang baka ikaw. And what? Victoria secret? Oh c’mon sa lagay mong ‘yan nakakabili ka pa ng gano’n?”

Isang nanlilisik na mata ang sinagot ko dito. Mga mayayaman nga naman mata-pobre, mapang-mata. Napatingin ako sa mata nitong mala-pusa at sa labi nitong naka-ngising nang-uuyam.

“I’m a Victoria secret model, that’s why…”

Isang mahabang halakhak ang natanggap ko dito kung saan lumukob sa aking tenga na 'di ko alam kung maiirita ba ako o ano.

“You’re funny… hahaha… wait… hahaha… it’s such a secret, not even Victoria knows? Bwahaha… havey babe, havey…”

'Di ko na ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagre-review. Wala akong makukuha sa kaniyang sagot sa quiz kung siya lang ang babangbangan kong wala namang kabuluhan.

“Get one whole sheet of paper. Number it one to sixty-five.”

Napatigil lang ito ng pumasok ang aming guro.

“Pst!” sabay sundot pa nito sa 'kin.

“Ano ba?” angil ko.

“Penge papel.”

Antipatiko talaga. May pambiling imported na pabango pero 'yong papel na 'di lalampas singkwenta pesos ay 'di man lang makabili.

Napa-buntong hininga na lamang ako habang inaabot ko ang isang piraso ng papel.

Nagna-number na ako ng sundutin na naman ako ng gago.

“Ano na naman ba?” irita ko ng tugon.

“What’s the noise all about Ms. Marasigan?” taas kilay na tanong ng aming guro.

“Nothing ma’am. I’m sorry…” sabay siko ko sa aking katabi. “Problema mo ba?”

“W-Wala akong ballpen eh…” kamot-ulong anas nito.

“Oh tapos? Hihiram ka? Tsk! May pambili kang imported na pabango pero ‘yang ga-pisong papel wala? Nang-uulol ka ba?”

“Puwede bang pahiramin mo na lang ako? Kapag ikaw nadinig na naman ni ma’am bahala ka na sa buhay mo! Dada kasi ng dada papahiramin lang naman.”

Aba't-- 'di ko kaya 'to pahiramin ng magkaalaman na?

Pero dahil sa ako ang napeperwisyo ay pinahiram ko na rin ng extra ko kung sa'n napatigil din.

“Slamat, huh?!” sarkasmo kong usal.

“Welcome.” tinaas pa niya ang ballpen sa harap namin.

Tss! Sana wala kang masagot.

Nagsisimula na ang quiz ng bigla na naman akong sundutin ng ungas.

“Ano sagot sa 9, 26, 33, 45, 51 at 63?”

Napahampas na lang ako sa aking noo. Naman po Diyos ko. Anong klaseng nilalang ba 'tong katabi ko?

Tumingin ako sa aking papel at tiningnan lahat ng sinabi nito.

“Lahat OO.”

“Eh sa 17?” hah? Lahat nasagot ko na sa tanong niya tapos babalik pa ba kami sa numerong 'yon? Nawawalan tuloy ako ng pokus sa tanong ni ma'am.

“Bonus ‘di ba?” umirap na talaga ko.

“May sagot na daw.”

“Hah? A-ano?” nag-hysterical na ako. Bakit 'di ko alam?

'Di naman sa grade conscious ako pero kasi naman sayang 'yong pagrere-view ko kung 'di naman din pala ako makakasagot. Ok sana kung 'di ko talaga alam eh.

“Ulitin ko na lang ang tanong para sa ‘yo,” sabay tikhim pa nito. “Gusto kita, gusto mo ba ‘ko?”

Hindi ko alam pero ngayon lang nag-sink in sa 'kin 'yong tanong ng may sagot na 'ko sa aking papel. Ngiting aso naman ang ungas matapos kong mapatingin dito.

Dali-dali ko namang binura ang aking sagot at sinagutan ko na lang ang mga 'di ko pa nasasagutan ng magbilang na ang aming guro para sa pasahan.

“3.. 2.. 1… finish or not, pass your paper.”

Pagkalabas ng aming guro ay agad akong humarap dito't pinagbabayo siya kung sa'n nasasalag ng kaniyang mga braso.

“Namumuro ka na talagang ungas ka! Ang yaman-yaman niyo tapos papel at ballpen wala ka? Tapos ano 'yong sa sagot at tanong? Tangina mo—”

“Sinagot mo naman—”

“Kasi ang akala ko sa subject 'yong tanong—!”

“Tama na nakakasakit ka na—”

“Talaga! Kung ayaw mong masaktan umalis ka sa harap ko total break na rin naman kung hindi sisipain ko iyang kaligayahan mo!” nanggalaiti ko ng usal sa kaniya at isang pambabaeng suntok muna ang pinakawalan ko bago ako umupo para mapunan ng hangin ang baga ko.

“Hoy, babae! Tanggap ko ‘yong pagsagot-sagot mo sa ‘kin pero ‘yong saktan ako syempre tanggap ko pa din pero baka nakakalimutan mong nasa paaralan tayo’t baka may makakita sayo’t ipa-kick out ka—”

“Eh ano naman? Sumusobra ka na kasi! Halina’t samahan mo ko’t ako na pupunta sa mama mo, papasalamatan pa kita kapag ginawa mo ‘yon.” sabay tayo ko't harap sa kaniya.

“Talagang-talaga! Gusto mo ngayon na?”

“Edi tayo na!”

“Huh? T-Tayo na?”

“Oo, animal ka!”

“Sige, tara na sa Principal’s Office ipapakilala na kita sa mommy ko, sinabi mo ‘yan, ah? Girlfriend na kitang babae ka.

~*~

Habang naglalakad sa pasilyo ay  'di ko maiwasang hindi balikan ang nakaraan kung ba't kami humantong sa kasalang ito.

Back then we're like a cat and dog na kung sa'n sa kasalan daw ang bagsak naming dalawa. And yes, tama sila. I have feelings for him 10 years ago. I believe in love at first sight because of him and thanks God, my prayer are now with granted.

He copied my answer back then and now I’m copying his family name…

—fin—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now