Blackberry Ink

20 3 3
                                    

Palumpong ng mga baya (berries)
Sa araw ng tag-init
Lahat ay nanunugkit
Mapuno lang ang tuong (bucket).

Tingnan mo ang aking ngipin,
Ito ay pula ng prambuwesas (raspberry).
Tingnan mo ang aking daliri,
Ito ay kulay-rosas ng presa (strawberry).
Tingnan mo ang aking bibig,
Ito ay lila ng duhat (blueberry).
Tingnan mo ang aking sila,
Ito ay tinta ng lumboy (blackberry).

~*~

Pina! Pina!” sigaw ni Andoy habang kumakatok sa pintuan ng maliit na bahay nila Pina. Ngunit walang sumagot. “Gising! Summer na!…”

“Hmm…” sabi ng boses sa loob ng maliit na bahay.

“Pina! Pina!” muling tawag ng kaibigan. “Ang araw ay sumisikat na… ang niyebe sa pinuntahan niyo ay natutunaw na. Kaya bangon na!”

“Wala ako dito.” balik nito sa kaibigang lalaki.

Dilim — ang unang namataan ng mga mata ni Andoy ng pumasok siya sa silid ng kaibigan. Lahat ng mga bintana ay nakasarado.

“Pina, asan ka?” tawag niya kay Pina.

Alis!” sabi ng boses sa may sulok ng silid. Nakahiga lamang sa kama si Pina.

Tinanggal ni Andoy ang nakatakip na kumot kay Pina sabay hila nito palabas ng maliit na bahay nila papunta sa beranda.

Pinikit-pikit ni Pina ang kaniyang mga mata sa sila ng araw.

“Tulong!” anas ni Pina. “Wala akong nakikita.”

Napahagalpak naman ng tawa si Andoy sa tinuran ng kaibigan.

“‘Wag ka ngang magpatawa… kung ano man ang nakikita mo ay ang liwanag na ilaw sa buwan ng Abril. At ang ibig sabihin lamang no’n na sisimulan natin ang ating bakasyon ngayon, Pina… tayo’y lalangoy ng umaga sa may batis at sa gabi naman ay uupo tayo dito sa kinatatayuan natin para magbilang ng mga bituin.” mahabang lintanya ni Andoy.

“‘Di mo sila mabibilang, ‘Doysobrang pagod ko talaga. Babalik na ako sa kama.”

Bumalik si Pina sa loob ng bahay, pahiga sa kama at taklob uli ng sarili sa kumot.

“Pero, Pina, mami-miss mo ang kasiyahan ngayong bakasyon…”

Makinig ka, ‘Doy—”

Naghihintay ang iba nating kaibigan sa may malaking Puno.” pagpuputol niya sa sanang sasabihin ng kaibigan.

Wala ng nagawa pa si Pina sa kakulitan ng kaibigan. Nawala na rin ang antok niya.

Gumapang na siya pababa sa kama at sabay na silang tumakbo papalabas ng kanilang maliit na bahay para makita ang kung ano ang sinasabi ni Andoy sa araw ng tag-init ngayong bakasyon.

“Tara kain…”

Pagkatapos ng kanilang kulitan at kasiyahang magkakaibigan sa may batis ay may isang bata — na kaibigan din nila — ang nagbigay ng maliit na prutas sa kanila.

“Ano ‘to? Nakakain ba ‘to? Parang nakakadiri  naman ang kulay at hitsura sa paghalo.” matapos ang paghalo ng asin at ang maliit na prutas ay agad na nagkomento si Pina.

“Ito ba? Lumboy ‘to Pina. Masarap ito…” anas ng isa sa kaibigan nila.

Tikman mo…”

Mapilit talaga ang mga kaibigan ni Pina at gaya ng kay Andoy ay napilitan na naman siya kung sa'n nagustuhan na rin ito kalaunan.

Maya-maya pa'y…

Hahaha. Tingnan mo iyang ngipin mo, kulay raspberry na… ikaw naman tingnan mo iyang daliri mo, kulay strawberry na… tsaka ikaw naman tingnan mo iyang bibig mo kulay blueberry na at ikaw naman ang mas malala ahaha tingnan mo iyang dila mo, kulay INK na ng BLACKBERRY iyan eh. Bwahaha.” tawang-tawa si Pina habang turo-turo ang bawat kaibigan sa nakikita niya habang kinakain ang maliit na prutas ng lumboy.

Tawanan at kulitan ang namayani sa kanila ng mapagtanto ang komento sa kanila ni Pina.

—END—

Kristalalab'z One Shot CompilationWhere stories live. Discover now