Tres Marias

12 1 0
                                    

Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm bell, hudyat ng kailangan na naming gumising at mag-ayos.

Napadako naman ang paningin ko sa orasan kung saan saktong alas tres na.

Agaran naman kaming nagsipagtayo't nag-ayos at ng matapos ay sabay-sabay kaming nag-agahan sa may labas.

"Dad, no! This isn't my duty. Ni 'di nga ako dito nakatuka-"

I stop in the midst of my step when I heard the voice of female. Dahil sa pagkakaalam ko hiwalay ang mga babae sa mga lalaki sa training na ito. And what? Dad? May tatay siyang andito?

"Hush baby, ikaw na lang ang maaasahan ko dito. Your sisters-"

"God, Dad! I can't believe you. You know I hate men, I hate boys. Tapos papasamahin mo ako sa mga kabatalyong kalalakihan?"

Nailapit ko ang sarili ko sa may bukana ng pintuan kung saan nakaawang ito ng isang pulgada lamang ng marinig ko ang baritonong boses ng aming Heneral? Wait... A-anak ni General? Andito? What a lucky me.

"Kaya ikaw dahil alam kong matututukan mo sila even though you're a man hater magaling ka pa ring humawak sa mga lalaki. Anak, ikaw lang ang sumunod sa yapak ko kaya naman pahalagahan mo ang trabahong pinasok mo... alam mo namang mas maraming lalaki dito pero bakit ito pa rin? 'coz you want to challenge yourself so I challenge you to handle our trainee... so please just a month or two. I'm begging you..." mahihimigan mo sa matanda ang pakikiusap na 'di ko alam kung umiiling ba o ano ang babae dahil sa katahimikang lumukob sa kanila.

"You're unbelievable, Dad." kalaunay anas nito.

"Pinasok mo 'to, Mary..."

Umalis din ako ng marinig ko na ang mga yapak na mukhang palalabas mula sa kinaroroonan ko.

Pasipol-sipol pa ako habang papalapit sa training camp ng maisip kong 'di na ako mahihirapan pa. Palay na nga naman ang lumalapit sa manok uh-uh. Tsk... tsk... tsk...

~*~

"First of all good morning trainees and welcome. I'll gather you all here to introduce and meet my one and only gorgeous daughter, Mary, Mary Verzo who will train to all of you..." only daughter huh? Napaismid ako. "... as a father I don't want you all to respect her as my daughter but as a General of this deputation I want you all to respect here because of her name and her position." ani Heneral habang pabaling-baling lang ang tingin ko sa kanilang mag-ama.

Hmm... what a nice act huh? I want to give them a round of applause. Watta show.

He take a step aside tsaka niya minuwestra ang kaniyang kamay sa harapan kung saan walang gana namang humarap ang huli. She heave a deep sight before she face us.

Pagkatayo niya sa plataporma'y agad naman kaming nagbigay galang gamit ang pakikipag-saluduhan. Nang maibaba niya ang kanang kamay na ginamit ay sinunudan na rin namin ng pagbaba.

Mabuti na lang na kahit papaano ay may alam ako sa ganito.

"Good morning to each and everyone. Mary Verzo by the way. Just what like General Verzo said I am your new Cadette. I don't want to call all of you a trainee 'coz you're all my Colt, K9 rather. Just clear?"

Naghanda-harap kami. Ginawa namin 'yon bago sumagot, "Ma'am, yes Ma'am." pagkatapos ay nagtikas-pahinga uli.

"Good, so now ayaw ko ng feeling bago-bago kahit trainee kayo kasi alam kong alam niyo, natin na ni-train na rin kayo ng nasa tertiary pa lang at bago kayo dito makapasok. Depende na lang kung may white horse kayo dito." anas niya habang sinusuyod ng mga mata niya ang kabuuan naming lahat. "Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Magsisimula na tayo sa oras ding ito. Mahalaga ang oras ko kaya sana 'wag niyong sasayangin..."

Kristalalab'z One Shot CompilationМесто, где живут истории. Откройте их для себя