Chapter One: Date

58.8K 1.6K 1.1K
                                    

CHAPTER ONE

ISAIAH CRANE

"Kaps, nababasag si Baby Tiger..." Hinila ko ang damit ni Psalm.

Tumingin siya kay Baby Tiger na nakapatong sa lamesa. Nakatitig kami sa itlog na unti-unting napipisa.

"M-mamatay na ba si Baby Tiger?" Pumiyok ang boses ni Noah.

"Hindi ko 'to kayang makita!" Tinakpan ni Peter ang mukha gamit ang mga kamay pero nakasilip siya sa uwang ng mga daliri. 

Habang napipisa ang itlog ay unti-unti ring napipisa ang puso ko. Tama si Peter, hindi ko rin kayang makita si Baby Tiger na unti-unting namamatay.

Suminghot ako.

"Baby Tiger..."

Inakbayan ako ni Psalm at tinapik sa balikat.

"Kailangan mong tanggapin ito, Isaiah. Naging mabuti tayong Ama kay Baby Tiger."

Pinunasan ko ang tumulong luha sa kanang pisngi. "Hindi ako Ama. Ina niya ako."

Pinapa-dodo ko si Baby Tiger kaya ako ang Ina niya. Sina Noah, Peter, Psalm at Genesis naman ang mga tatay niya.

"Si Baby Tiger! Nag-e-epilepsy!"

Nataranta kami nang mas lumaki ang mga biyak sa eggshell. Nanginginig ito na parang sasabog na. Parang sasabog na rin ang puso ko, hindi ko ito kayang makita. Paano makakaya ng isang Ina mawalan ng anak? Hindi. Hindi ako makakapayag na mawala ang baby Tiger ko.

Hinawakan ko sa braso si Noah at niyugyog ito. "Kaps! Anong gagawin natin?! Iligtas mo ang baby ko! Iligtas mo si baby!" Sinabunutan ko ang buhok gamit ang dalawang kamay at tumalon-talon habang umiiyak at sumisigaw. Hinarap ko si Noah sa akin at niyugyog ang mga balikat niya. "Kaps! Kaps—Kaps? Noah bakit duling ka na?"

Binatukan niya ang sarili kaya bumalik na sa normal ang mga mata niyang nagkasalubong ang kulay itim. "Pasensiya na Kaps, ganito talaga ako kapag malungkot," Sumulyap siya kay Baby Tiger. "Wala akong silbing Ama. Hindi ko alam kung paano ko tutulungan ang anak ko. Tawagan kaya natin si Genesis?"

"Kaps, bawal daw siyang istorbuhin. Gusto mo bang patayin ka niya?" sabi ni Peter.

Bumagsak ang mga balikat namin nang maalala ang bilin ni Genesis sa amin kanina bago siya umalis. Hindi namin alam kung saan siya pupunta at kung ano ang gagawin niya. Basta ang sabi niya lang "I'll be back." Hindi naman niya sinabi kung anong oras siya babalik.

"Si Dada kaya?" nginatgat ni Psalm ang kuko.

Umiling ako. "Nasa Hawaii si Dada. Naghahanap ng bagong mabi-biktima."

Hays, pakboy talaga ang Dada namin. Good luck na lang kung may papatol pa sakanya. Mukha pa naman siyang mongoloid.

"Si Timog?"

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now