Chapter 22: Forgive and Forget

15.6K 912 1.2K
                                    

Dedicated this chapter to @CareforNobody. Be-lated happy birthday!

CHAPTER TWENTY TWO

_

ISAIAH CRANE's POV

"South, okay ka lang?"

Kanina pa ito tahimik kaya nag-aalala ako. Matapos kasi naming makaalis sa school namin ay kaagad kaming dumiretso sa park na malapit sa bahay namin. Ayaw pa niyang umuwi, gusto pa raw niyang magmunimuni.

Tinitigan ko ito. Nakatingin siya sa kawalan habang mahinang umu-ugoy sa swing. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa magkabilang gilid na tali. Ang mahaba nitong buhok ay mahinang hinihipan ng hangin.

Naka-upo ako sa katabing swing nito. Nakapirmi ang mga paa ko sa lupa para hindi gumalaw ang swing ko.

"Have you ever felt like you were stabbed million times in your heart?" pagsasalita nito. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Napakamot ako sa ulo ko at ngumuso. "Hindi pa, pero naramdaman ko na parang may mga karayom na tumutusok sa pwet ko kapag matagal akong nakaupo" sabi ko.

Ilang beses ko iyon nararamdaman. Sa tagal kong umu-upo ay namamanhid ang pwet ko kaya minsan ay pinapapalo ko ito kay Noah para bumalik sa dati.

"I was not literally stabbed pero parang mas gusto ko nalang na masaksak ng totoong kutsilyo sa puso kesa maramdam ang ganitong pakiramdam na unti-unti akong pinapatay sa sakit," nanginginig ang boses nito. Yumuko ito at mahinang sinipa ang bato sa lupa. Ilang sandali lang ay nanginig ang balikat niya sa pagtawa.

"South..."

Tumatawa siya pero tumutulo ang luha sa mga mata niya. Nanginginig ang kamay nitong nakakapit sa tali. Ramdam ko ang gigil at sakit na nararamdaman niya. Naapektuhan ako sa nakikita kong kalungkutan niya.

"Nakita mo ba 'yung babaeng 'yon kanina?" tanong niya habang nakayuko parin.

Lumabi ako. "Yung Nanay ni Gyro? Oo. Kamukha mo nga siya e" sagot ko.

Tumawa muli ito pero sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya. Natatakot akong punasan iyon dahil baka magalit siya. Baka umaapaw na ang drum ng tubig sa mga mata niya kaya hinahayaan niya lang itong tumulo. Mamaya ko na lang siya tatanungin kung tapos na siya sa pagbawas ng tubig sa drum niya.

"Nanay ko rin ang walangyang 'yon."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Siya ang Mommy South namin?" ngumiti ako ng malaki pero nang makita na hindi natutuwa si South ay kaagad din akong tumigil. Ngumuso nalang ako. "Pero bakit mo siya tinatawag na walangya? Bad 'yon, South. Hindi mo dapat tinatawag na ganoon ang Nanay mo."

Nilingon niya ako. Nakakunot ang noo niya. Tumigil na rin ang pagtulo ng luha nito kaya tinitigan niya ako na parang nababaliw na ako.

"Walangya siya e. Ano ang gusto mong itawag ko sakanya? Mother dear? King inang 'yan, wala akong pakialam sakanya." Nagtagis ang bagang nito sa galit. Gigil na gigil ang boses nito at nahimigan ko roon ang matinding sakit at galit.

Nakaramdam ako ng takot pero malakas ang loob akong nagtanong parin.

"Bakit ka galit sa Nanay mo?"

Umiwas ito ng tingin. Pansin ko na mas lalong niyang kinagalit ang tanong ko na iyon. Niyakap ko ang bagpack ko para doon ibaling ang takot ko sakanya.

"Iniwan niya kami."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Galit ka sakanya kasi iniwan niya kayo?"

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now