Chapter 23: Wounded

14.6K 798 882
                                    

Enjoy this long update ❤

CHAPTER TWENTY THREE

NORTHERN'S POV

"I already book you a flight. Next week ka na aalis. Make sure to bring enough clothes or maybe, h'wag ka nalang magdala ng mga gamit. You can go for a shopping. Buy anything you want."

Nang hindi siya magsalita ay inangat ko ang tingin ko sakanya. Nakahalumbaba ito sa lamesa, halata ang lungkot at pagod sa mukha niya. I sighed and put my phone on the table.

"South, ano na? Maghapon ka nalang mag-da-drama diyan? You skipped your class for this?" pangangaral ko rito.

I was shocked to see her here in my office. Kagagaling ko lang sa meeting nang sabihin sa akin ng sekretarya ko na may naghihintay sa akin sa loob ng opisina ko. And to see that it was my sister, I immediately panicked. The thought that she was here to scold me for not telling her my connection with our Mother really terror me. I'm afraid she will get mad at me. I'm afraid she will hate me again. Ayoko nang bumalik kami sa dating hindi kami nagpapansinan. I worked hard for us to be okay again, kaya kinabahan talaga ako nang malaman niyang may koneksyon ako sa Ina namin.

Pero nang makita ang malungkot at namamaga niyang mga mata ay nawala kaagad ang takot ko at napalitan nang pag-aalala. I was asking her what is wrong pero humalumbaba lang siya sa lamesa ko at naging tulala.

"South, tell me, ano ba talaga ang nangyayari sa'yo? Is this because of our Mom?" kinakabahan kong tanong pero katulad kanina hindi siya sumagot.

Tahimik lang itong nakatitig sa bulaklak sa table to. Punong-puno ng kalungkutan ang mga mata nito kaya mas lalo akong nag-aalala.

"Gusto mo bang tawagan ko si Daddy---"

"I broke up with him."

Eh?

My brows frown. Ilang sandali muna akong natahimik at prinoseso sa utak ang sinabi. Nang maintindihan ko na ay ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko.

"You broke up with Genesis?" singhap ko.

Omygash...

She closed her eyes. Even if I can't see her eyes, I could still feel her sadness. Nababalutang nang buong pagkatao niya nang kalungkutan at sakit. Kumirot ang puso ko nang makitang namula ang ilong nito tanda na naiiyak siya.

"Oh, baby sister..." tumayo ako at lumapit sakanya. Kinuha ko ang isang kamay nito at mahigpit na hinawakan.

"I'm so stupid, North. Nagpadala ako sa lungkot at galit ko kagabi. I was so tired from the drama at pagka-uwi ko ay pagbibintangan pa niya akong nagloloko ako sa relasyon namin," her voice cracked. She open her eyes and look at me. Mapupula ang mga iyon pero walang luhang pumapatak, she's stopping her tears from falling. "It's so hurt. How can he accused me like that? He doesn't know how much I love him. Tangina, kaya ko ngang itaya ang buhay ko para sakanya, yet he still doubt my loyalty?"

Umalis ito sa pagkakahalumbaba at tiim bagang na sumandal sa upuan. Ang mga mata nito ay napalitan nang pagkadismaya at sakit. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa kawalan na parang doon niya binubunton ang mga hinanakit niya.

"Tarantado ako, oo, pero hindi ko naman kayang gawin ang binibintang niya sa akin. Me a cheater? Tangina, sa exam nga hindi ko kayang mandaya sa relasyon pa kaya?" tuloy-tuloy na atungal nito.

She's like a child complaining about her friend who snatched her lollipop. Galit na galit ang boses nito pero sobrang lungkot naman ng mga mata niya.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now