Chapter 49: Isaiah's Birthday

12.1K 628 91
                                    

CHAPTER FORTY NINE

  

ISAIAH's POV.

Nineteen. Last year eighteen lang ako pero ngayon nineteen na. Ang bilis talaga ng panahon. Next year nineteen naman na ako. Taon-taon naming hinihintay ang pagdagdag ng taon namin. Hindi dahil sa gusto na naming tumanda kundi dahil gusto naming magmature. Unbelievable pero oo. Lagi akong excited kapag birthday ko. Hehe, alam niyo kung bakit? Kasi marami akong handa! Naghire si Dada ng chef para magluto ng spaghetti, fried chicken at pansit! Hindi rin sa nagmamalaki ako pero eighteen ang cake ko! Inimbita ko ang mga classmates ko, pati rin mga friends and neighbors. Ayon kay Dada, big celebration daw ang birthday ko dahil big na ako.

Bumaling ako kay Dada na busy sa pagpapahangin sa mga balloons gamit ang bibig. Gusto niya talagang hands-on siya sa lahat ng bagay lalo pagdating sa amin. Matagal niyang pinaghandaan ang birthday ko, kakatapos nga lang ng birthday ko last year ay may plano na agad sa susunod. Sa aming lahat, siya ang mas excited. Mas excited pa siya kesa sa akin. The best talaga siya.

Inaayos na muli ang nasunog naming bahay kaya nagpasya kaming dito nalang sa rest house ni Daddy President kami maghahanda. Pumayag naman siya at nangako pang dadating silang buong pamilya. Dito sa malawak na garden kami magpaparty, marami kasing darating na bisita, hihi.

Sunod akong tumingin kay Noah. Nasa puno siya habang nagkakabit ng mga maliit na flags sa tali parang sa fiesta. Sa isang linggo naming nasa bahay ay iyon ang ginawa niya. Gusto rin niya na magprepare sa b-day ko. Naagaw ng attention ko naman si Peter, nagkakabit siya ng malaki kong tarpaulin. May print ng mukha ko habang kumakain ng Ice Cream, sa school ko iyon pinikturan. Dora ang background at may malaking sulat na Happy Nineteenth Birthday, Isaiah Gabriel Crane! from Crane family.. Pinaghandaan din ni Dada iyan. Every year kasi ay may birthday tarpaulin kami.

"Josiah, dito pa!"

Tumingin ako sa sumigaw at nakita si Psalm at Josiah na nagse-set ng table. Kumikinang ang mga katawan nila dahil sa pawis. Alam kong pagod na sila pero kahit isang pagrereklamo ay wala akong narinig. Swerte ko talaga sa mga kaps ko. Naagaw naman ng atensyon ko si Genesis na nakatayo sa gilid habang masama ang tingin sa cellphone. Sa lahat, si Genesis ang walang silbi. Grabe, hindi man lang niya tulungan si Dada na magpahangin ng lobo. Kahit nga mag-ayos ng souvenirs kong dora pencilcase ayaw gawin. Kahit man lang sana magwalis. Parang siya pa ang magbibirthday e. Pinanood ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya, ang pagtiim bagang at pagdilim ng mga mata. Para siyang papatay habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Akmang ibabato niya sana ito pero nabitin sa ere ang kamay niya. Mariin siyang pumikit at malulutong na nagmura bago binaba ang cellphone. Siguro narealize niyang mahal ang phone niya. Huminga ito ng malalim at binulsa ang phone bago tumingin sa malayo. Kahit naiinis ako sa kawalang silbi niya hindi ko pa rin maiwasang magalala. Alam kong si South ang iniisip niya. Namimiss ko na rin si South, nagpadala naman ako invitation card kaya alam kong pupunta siya. Excited na rin kasi akong makita ito.

"There you are cutie! How are you feeling?" Lumingon ako sa nagsalita. Agad akong napangiti nang makita si Mommy Tatiana na nakabihis Princess Fiona ng Shrek. Sobrang ganda niya sa gown, araw-araw akong namamangha sakanya. Kung hindi niyo alam, si Mommy Tatiana ang naghire ng Magician para magpasaya sa party ko.

Naupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa balcony habang pinapanood ang mga kapatid ko. Dahil birthday ko hindi ako pwedeng mapagod kaya nakaupo lang ako sa tabi, si Baby Tiger naman ay nasa coffee table sa harap ko, kumakain. Ewan ko ba sa manok na ito, akala mo siya may birthday. Sabi ko tulungan niya sina Kaps pero nandito siya sa tabi ko.

"I'm excited, Mommy Tatiana! Dadating ang mga friends ko mamaya, ipapakilala kita sakanila" ngumiti ako.

Kita ko ang excitement sa mga mata nito. "Oh, I cannot wait!" biglang tumunog ang cellphone niya kaya tumigil siya saglit at ngumiti sa akin. "I'm just gonna take this call, okay?"

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon