Chapter 25: Favor

14.3K 707 843
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

SOUTHERN's POV

"Genesis, will you marry me?"

I suddenly want to punch myself. How did that came out from my stupid mouth? Siraulo ka talaga, South! Stupid!

Pinukpok ko ang ulo ko. I bit my lower lip and frustratedly lie on the bed while wiggling like an embarrass cat. Bahagya kong nilayo ang cellphone ko sa tenga bago malutong na minura ang sarili.

Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ang mga iyon. Ako pa talaga ang nagbanggit niyon?

"B-bebe ko..."

Binalik ko sa tenga ang cellphone nang marinig magsalita si Genesis sa kabilang linya. Anim na minuto siyang natahimik dahil sa tanong ko. Kung ako man ay nagulat, siguradong mas lalo na ito.

Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang ang malalim na paghinga nito sa kabilang linya. It's like he's still recovering from a violent shock. Sinapo ko ang noo ko.

"G-genesis, uhm..." I swallowed hard. "I-I was just kidding---"

"My father is strict."

"Ha?"

Mabigat itong bumuntong hininga. "You have to ask my hand from him first. You should get his blessing before asking me that. You know, I'm from a very conservative family, Southern. I have four brothers and you have to get their blessings too" he said with gentleness on his voice.

Kinunot ko ang aking noo. Sandali, parang may hindi tama.

"Wait, hindi ba dapat babae nagsasabi niyan? Babae ka ba?" asik ko. Strict ang tatay niya? Aba, kailan pa?

Kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko ang pagnguso nito. Wala sa sarili akong napangiti. Damn, I'm sure he looked so cute pouting his kissable lips.

Kissable lips? Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba, South! Mag-focus ka sa usapan niyo!

"You proposed to me. Do you think that's a girl's job? That is supposed to be my line! Are you a boy?" asik niya rin pabalik sa akin.

Sumandal ako sa headboard ng hospital bed ko at marahang minasahe ang pagitan ng mga mata ko. Marahas akong nagbuga ng hangin.

"Okay, ganito nalang tutal nagkapalit tayo ng linya, magpalit na tayo ngayon. You have to ask me the same question I asked you" inayos ko ang likod ko at matamang nakinig sakanya.

"Okay, I'll propose right?"

"Uh-huh!"

Humugot muna siya nang malalim na hininga sa kabilang linya. Ilang sandali lang at nagsalita na ito.

"Southern, will you marry me?"

I bit my lower lip. Kinurap-kurap ko ang mga mata para maluha. Kailangan kong umiyak. Sa mga napapanood ko sa television, umiiyak ang babae kapag nag-alok ng kasal ang lalaki. Kinurot ko ang sarili para maiyak pero walang luha na gustong lumabas. Dismayado akong napayuko.

"My parents are strict" sabi ko.

"Ha?" pangagaya niya sa reaction ko kanina.

"You have to ask my hand from them first. You should get their blessings before asking me that. You know, I'm from a very conservative family, Genesis. I have three siblings and you have to get their blessings too" malungkot kong paggagaya sa sinabi niya.

Natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko ay namatay na ang tawag kaya sinilip ko ang screen ng cellphone ko at nakitang hindi naman pala. Naririnig ko ang mahihina niyang paghinga.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now