Chapter 9: Kiss me

18.7K 898 692
                                    

CHAPTER NINE

_

SOUTHERN's POV

Ilang beses na akong napamura sa isipan. Gusto kong takpan ang bunganga ni Nanang pero matalim ang tingin na pinupukol sa akin ni Daddy. Unti-unti niya akong pinapatay sa pamamagitan ng mga mata niya.

"You said that guy is handsome. Aba, dapat lang! Masyadong maganda si Southern kaya nababagay din siya sa gwapo!"

Nasa loob na kami ng sasakyan pero ang ingay-ingay parin ng matanda. Magkaharap ang dalawang pahabang upuan sa loob ng Limousine kaya magkakaharap din kami. At sa kamalas-malasan, si Daddy ang kaharap ko. Katabi ko naman sa kanan ko si Nanang at sa kaliwa ay si East na pinapakielaman ang cellphone ko.

"I assure you, Nanang, gwapo talaga! Genesis is like a Greek God! Talagang mapapa Oh My God kayo pagkakita niyo sakanya!" Gatong pa ni North.

Matalim ko itong tinignan kaya kaagad siyang natahimik at inosenteng kinalukot na lang ang mga kuko.

"And you also know about this, Northern?" Baling ni Daddy sakanya.

Nanlaki ang mga mata nito at napipilitang tumango. I clenched my jaw.

"Oh, come on, Gideon! Hayaan mo na ang mga anak mo! Walang masama sa pakikipagrelasyon nila," sabi ni Nanang.

Dad glared at his own mother. "Walang masama? Bata pa sila!"

18 na ako, tss.

"Ate South is already on a legal age, Dad" sabi ni West.

Ito naman ang sunod na tinignan ng masama ni Daddy. Natahimik din kaagad ito.

"Legal age or not, you are still not allowed to have a relationship. You must focus on your studies and career first. Ang pag-ibig na 'yan, nakakapaghintay 'yan" mariing sabi nito at tumingin sa akin. Nagbabanta ang tingin niya kaya umiwas ako. "Wala ka pang napapatunayan sa sarili at pamilya mo, Southern, pero heto na ang ginagawa mo. Iyan ba ang inaatupag mo sa bahay ng mga Crane? Ang makipag landian sakanila?"

Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Dapat na ba kitang ilayo sa mga ito?"

That makes me turn to him. Malamig at walang emotion ko itong tinitigan. Ganoon din ang sinukli niya sa akin. Pansin ko ang pagiging tensyonado ng mga kasama namin sa loob ng sasakyan. Susumbatan ko pa sana ito pero pumagitna na sa usapan si Tatang.

"That's enough! Ganyan na naman ba kayo? Tuwing maghaharap kayong dalawa palagi na lang kayong nagkakairingan! Huwag lang kayong ganyan sa mismong araw ng Anniversary namin ng Nanang niyo kung ayaw niyong pagbabarilin ko kayong dalawa sa noo!" Hinika ang matanda pagkatapos nitong magsalita kaya mabilis siyang inasikaso ni North at ni Nanang.

"Nananahimik ako rito." Umirap ako. Mas lalo lang akong tinignan ng masama ni Daddy.

"Annunciata, 'wag mo na lang pansinin ang siraulong si Gideon. Sasakit lang ang ulo mo sakanya," sabi ni Nanang sa akin at hinaplos ako sa braso.

Now she mentioned my Mother's name, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga sinasabi niya kanina. Matanda na si Nanang at may sakit narin ito na Alzheimer pero kahit ganoon, malakas ang loob kong nagsasabi siya ng totoo.

Nakasama niya si Mommy, at nandito siya. Binabantayan niya kami sa malayo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit kailangan niya kaming pagmasdan mula sa malayo? Anong pumipigil sakanya para lapitan kami? I don't understand it. Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang makausap.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now