Chapter 21: Bruises

15.5K 776 1K
                                    

I'm very sorry for the late update. Hindi po ako nakapag-update kahapon dahil sobra ko pong naging busy. Ngayon lang may time kaya sana maintindihan niyo. Anyways, enjoy this long update. Pambawi sa paghihintay niyo 😊❤

KEEP SMILING!

CHAPTER TWENTY ONE

SOUTHERN's POV

"South, wala kaming feeding program ngayon."

"May limang piso ka namang baon e."

Mula sa salamin ay nakita kong ngumuso ito. Nilalayan ko ng towel ang likod nito dahil siguradong magpapawis na naman siya pagdating niya sa school nila. Isaiah is very carefree. Lahat ng mga bata sa paaralan nito ay kinakalaro kaya kapag umuuwi na siya ay pagod na ito at sobrang basa na ang damit dahil sa pawis. I always told him to bring extra shirt para may pamalit siya kapag pawis na siya.

"South, pwede bang mag-upgrade ang baon ko? Fishball lang nabibili ko sa limang piso e."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sige. Anim na piso na ang baon mo ngayon."

Kaagad nagningning ang mga mata niya sa tuwa. "Talaga? Yiiiee! Six pesos na ang baon ko! Mayaman na ako!"

I just tsked and finish what am I doing. "H'wag kang basta-basta lalabas kapag uwian niyo na. Hintayin mo si Noah sa school niyo. H'wag kang sasama kahit na sino" bilin ko sakanya.

Tumango ito. "Aye aye Captain!"

Sinuot na nito ang bagpack na Dora at lumabas ng kwarto ko. He's always sleeping in my room. Bihira na nga itong pumunta sa sarili niyang kwarto e. Nasanay na rin ako sakanya. Minsan pa nga ay naiingit ang mga kapatid niya sakanya kaya sa minsan ay dito rin sila natutulog sa kwarto ko. Of course, I won't sleep with them. Hihintayin ko lang silang makatulog saka ako lilipat sa sala at sa sofa matutulog. I'm getting used of that routine every night.

I sighed and fix my bed. Isa sa natutunan ko habang naninirahan ako rito ay kailangang panatilihing maayos ang kwarto. Ngayon ko lang napagtanto iyon. Ang pangit pala kapag magulo ang kwarto mo kaya t'wing umaga ay inaayos ko lahat ng pwedeng ayusin.

I was folding my sheet when someone knocked at my door. Nilingon ko iyon at nakitang sumilip si Peter.

"Timog, papasok na kami sa school! Sasabay ka ba sa amin?" tanong niya.

Umiling ako. "May motor ako."

Ngumuso ito. "Pwedeng sumabay ka nalang sa amin?"

Umiling muli ako. Kahit naman pitong buwan ko na silang kasama sa iisang bahay at may iilan na rin na nakakaalam na magkakasama kami sa iisang bahay ay kailangan ko paring panatilihing tahimik ang buhay ko sa school kahit papaano. As long as I want to go to school with them, kailangan ko paring mag-ingat. Atsaka baka magtampo si Sakuragi kapag sumakay ako sa ibang sasakyan.

"Mauna na kayo."

"Okay!" Sinara muli nito ang pinto at narinig ko ang yapak nitong pababa ng hagdan.

Nang matapos ako sa pag-aayos sa kwarto ko ay saka ako tumingin sa orasan. Kinse minutos nalang mag-a-alas otso na. Kinuha ko na ang bagpack ko at mabilis na tinignan ang sarili sa salamin. Kanina pa ako nakabihis, hinihintay ko lang na maka-alis ang mga  Crane bago ako lumabas ng bahay.

Pagkababa ko sa hagdan ay kaagad bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Ang payapa talaga ng bahay kapag wala na ang mga tokmol. I smirked and went out of the house. Matapos kong maisarado at ma-i-lock ang pinto ay kaagad akong dumiretso sa likod ng bahay na kung saan naghihintay doon ang motor ko.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now