Chapter 36: Old Friend

13.6K 727 381
                                    

Advance update!

Hi to Kimberly Lagazo, Regine Ocampo, Anna Marie Mabunay and Cath Jene Palma! And also to my silent readers! Hope you enjoy this chapter :) ❤

  CHAPTER THIRTY SIX

_

SOUTHERN's POV

I screamed in pain when a bullet hit my right leg. Napaluhod ako at sinapo ang binti kong umaagos ng dugo. I bit my lower lip as I groaned in pain. Dammit!

"AAAAAHHH!"

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang marinig ang sigaw na iyon. Kahit sobrang hapdi ng binti ko ay sinubukan ko pa ring tumayo. Kumuha ako ng suporta sa handrail ng tulay at nilingon si Atarah. She was on the floor, full of blood as tears streaming down on her face. Mula sa likod ay nakatayo ang isang lalaking nakamaskara ng tigre. I could only see his familiar piercing eyes. May hawak siyang baril habang nakangisi sa akin ng mala demonyo.

"You will die just like them, Benedicto" aniya sa malalim at nakakatakot na tuno.

Tumingin ako sa paligid ko. My jaw dropped when I saw Tito Jackal, Josiah, Gyro, North, Noah, Peter, Psalm and Isaiah. Nakita ko rin si Daddy na duguan at wala ng buhay.

"N-no..."

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Tila sinaksak ng milyong beses ang dibdib ko sa mga nakita. Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. Hindi maaari.

"Ganiyan din ang mangyayari sa lalaking mahal mo."

Sa sinabing iyon ng lalaki, biglang may bumanggang sasakyan sa harapan ko. Bumangga ito sa handrail ng tulay ngunit hindi tuluyang nahulog sa ilalim. Thick smoke filled the air, hanggang sa unti-unting nawala ang usok at tumambad sa harapan ko ang sira sirang sasakyan. Basag ang mga bintana nito kaya nakita ko ang laman ng loob.

Isang pamilyar na lalaki ang nakita kong nakaupo sa driver seat. He was wearing a blindfold. Nakasandal siya sa steering wheel at duguan. Tila patay na ito dahil hindi na gumagalaw.

Nangunot ang noo ko. My breathing became ragged as my heart torn into pieces. Nanghina ako lalo na nang makilala kung sino ang lalaking nasa driver seat.

"G-genesis..."

Namanhid ang sakit na nararamdaman ko sa binti. Nanginginig akong naglakad papalapit sakanya. Namanhid ang katawan ko, nanlamig ang mga kamay, I feel so shocked.

"Genesis..." tila talon ang pag-agos ng mga luha ko sa mata. Wala akong ibang maramdaman kundi takot at pagkabigla.

Nanginginig ang mga kamay kong hinila ang pintuan sa driver seat. A gush of smoke filled the car but it immediately vanished in the air. I saw Genesis unconsciously lying in the steering wheel while blood streaming down his body.

Hinawakan ko ang likod nito at gamit ang natitirang lakas, hinila ko siya para makita. Tila sinaksak ng ilang beses ang dibdib ko nang makita na naliligo siya sa sariling dugo. I removed his blindfold and saw his wounds. He was beaten. They tortured him.

"N-no, Genesis, please wake up...n-nandito na ako... please, wake up...please..." niyugyog ko ito ngunit hindi siya magising. I sobbed hard. Tinapik tapik ko na rin siya sa mukha pero hindi pa rin dumidilat.

Kinapa ko ang palapulsuan nito. I felt relieved when I feel him throbbing. Mahina iyon pero sapat na para bigyan ako ng pag-asa na buhay pa siya.

"Come on, bebe ko, open your eyes for me. Aalis na tayo rito, uuwi na tayo...just please, hold on..."

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now