Chapter 40: Embrace

13.1K 711 721
                                    

CHAPTER FORTY

SOUTHERN'S POV

"You haven't encountered the man who killed Zacary's girl. Kapag nakita mo siya, tiyak na manginginig ang mga tuhod mo sa takot."

"He doesn't look scary but when you look at him in the eyes, tiyak na manginginig ka sa takot."

"Psh, kwento niyo! Pwede bang tumigil na kayong dalawa! Kung magkwento kayo akala mo naman nakita niyo na talaga 'yung tao!" Atarah snarled at Rucc and Coby. Nagbabalat siya ng dalandan na siya lamang ang kumakain.

"That's the truth. Balita ko pa nga ay nagbalak siyang agawin ang rank ni Milagrosa. But unlucky him, our Milagrosa is too tough that even the stone will melt upon seeing her. Sino bang magwawagi sa Milagrosa natin? Walang makakatalo sakanya!" Rucc stared at me adoringly.

"That's right. She's the most scariest human being. Naririnig mo palang ang pangalan niya naiiihi ka na sa takot" hagikgik naman ni Coby.

"Edi si Milagrosa na ang magaling! Tanginang Milagrosa na iyan!" sigaw ni Atarah.

"Sus! Inggit ka lang. Don't worry, magaling ka rin naman Milagdyosa!"

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Coby. Halos mabingi na rin ako sa lakas ng mga boses nila.

Malakas at may diin kong nilapag ang bote ng gatas na iniinom ko sa lamesa na punong puno ng chicherya at lata ng alak. They fell silence as they looked at me like a rare mammal.

Tumitig ako sa kawalan habang nababalot pa rin ang isip ko ng mga katanungan at pagtataka. And surely, they noticed the absence of my mind.

"Don't tell me nabaliw na siya? Sabagay, sino ba ang hindi mababaliw kapag nalaman mong ikaw pala ang tagapagmana ng makapangyarihang Sigma Dynasty? And the coolest part is, gangster din ang Nanay mo!"

"Shut the fuck up, Rucc! Look how sanity leave her body! Mayamaya lang ay magbibigti na iyan, pustahan pa tayo" Atarah bet.

Huminga ako nang malalim bago napapikit nang mariin. Sinasabi ko na nga bang maling mali ang tumambay sa lungga ng mga inutil kong kaibigan. I don't understand why Sakuragi took me here. Dinala niya lang ako sa lugar na mas lalong magpapabaliw sa akin.

"Give me more milk" utos ko sakanila.

Kaagad kumaripas ng takbo si Rucc at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang gatas pa sa akin.

"Bawal paghintayin ang Reyna at baka iuntog niya tayo" naghagikgikan sila. Imbes na matakot at maawa ay tila tuwang tuwa pa sila sa nangyayari sa akin. Mga letcheng kaibigan!

"Cheers!" tagay ko sa gatas ko. They looked at me weirdly but they still lifted their drinks to toast with me.

"Sabihin niyo sa akin na nasa ligtas tayong lugar" dinig kong bulong ni Coby.

"Don't worry, I have the cage. In case of emergency" Rucc shrugged his shoulders.

"Hoy, babae! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?" asik ni Atarah sa akin.

I looked at her and smirked. "Why? Do I look crazy now?"

"Papunta na doon. Ano bang problema? Nagyaya ka ng inuman pero gatas naman ang tinutungga mo!"

Mapait akong ngumiti. "Ayaw kong umuwi ng lasing" Ayaw kong umuwi, pagtatama ko sa isipan ko.

I don't know what scaring me. Kanina, pagkatapos ng klase ay imbes na dumiretso sa bahay ng mga Crane ay nandito ako, sa bahay ng mga kaibigan ko. Ayokong umuwi sa pag-iisip na baka mapahamak nga sila dahil sa akin. What my Mother told me really bothers me. She's insane and she will do everything to break me.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora