Chapter 19: How are you?

14.5K 746 771
                                    

Advance ako nag-udate, advance kasi ako mag-isip 😂

CHAPTER NINETEEN

_

SOUTHERN'S POV

The party had started. Maraming bisita, as expected. Kaliwa't kanan ang nakikita kong mga naka-costume. Mayayaman lahat ang mga taong nandito, naka-costume man ay halata parin ang pagiging bigatin nila. Kahit anong gawing pagbabago ng anyo ay talagang kumikinang sila. Epekto nga naman kapag may salapi.

"South! Magpa-picture tayo kay Batman!" sabi ni Isaiah. Kumikislap ang mga mata nito sa sobrang kasiyahan. He's enjoying. Kanina pa siya hindi mapakali at gustong magpa-picture sa lahat ng mga karakter na nakikita niya.

May lumalapit din dito at nagpapa-picture. May mga natutuwa sa itsura niyang naka-wig at naka-dora costume. Tambad na tambad ang mapuputi at makikinis nitong binti. Pansin ko na napapatingin dito ang mga matatandang nadadaanan niya. Sa mga lalaki, inggit ang nararamdaman, samantalang pagnanasa naman sa mga babae, kaya nga binabantayan ko dahil baka bigla nalang may gumahasa sakanya rito.

Sobrang nakaka-attract ng attention ang mga magkakapatid na Crane. Kahit nga si Psalm na mukhang unggoy dahil sa costume na Boots ay pinagkakaguluhan din. Kahit anong isuot nila ay bumabagay sakanila, and I hate it. Ayokong masyado silang nakakakuha ng attention. Ayokong may lumapit sakanila. Selfish na kung selfish pero ayokong magustuhan sila ng iba.

"Kyaaaah! South, oh! Tignan mo, si Gagamboy!" Nagtatalon sa tuwa si Isaiah. Nagmukha siyang babae dahil sa suot na wig. Hinahawi pa nito ang bangs at kung minsan ay napapansin kong kinakamot niya ang batok.

"Si Lastikman!" sigaw niya muli at may tinuro sa mga bisita.

"Si Darna!"

Tinignan ko ang tinuro niya. Darna raw? Nakita ko ang isang seksi at magandang babae na akala mo ay nasa isang fashion show kong maglakad. Nakahawak ito sa bewang at taas noong ngumi-ngiti sa paligid.

"Genesis, anong masasabi mo kay Darna?" tanong ni Isaiah sa kanina pang tahimik na katabi ko.

Nakabantay lang si Genesis sa akin. He's afraid that I might leave again kaya todo ang pagbuntot niya. I assured him that I won't leave pero ayaw maniwala kaya hinayaan ko nalang. Ayoko rin naman siyang gumala-gala sa paligid, masyado rin siyang nakakakuha ng attention kahit naka vampire costume ito. Bagay sakanya lahat ng isuot. Mas lalo nga lang itong gwumapo ngayon eh.

"She's hot."

Nagpantig kaagad ang tenga ko. Akmang sisinghalan ko na dapat ito pero natigil ako sa sumunod na sinabi niya.

"She's an eyesore."

"Eyesore, pero hindi mo maalis ang tingin mo sakanya?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo bang tusukin ko ng walis ang mga mata mo?" banta ko pa.

Kaagad itong napalunok at nag-iwas ng tingin sa babaeng Darna. Iyan ba ang sinasabi niyang hot eh ang itim-itim ng singit? Ang lakas mag-darna costume wala namang dodo.

'Wow! Nanlait ang may dodo!' sigaw ng isang malditang boses sa utak ko.

"I'm not looking at her!" depensa niya.

"Sus, deny ka pa! Hot? Tangina, susunugin ko 'yan mamaya" I gritted my teeth.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis ko ngayon. Nakakabwisit lang kasi dahil bakit kailangan pa niyang tignan? At sino ba ang nagpauso sa damit ni Darna? Mabigyan nga ng isang kutos iyon.

"Are you jealous?" tanong niya. Sinalubong nito ang mga mata ko.

Natawa ako. "Jealous? Me? Hahahaha yes." Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now