Chapter 13: Serpens

17.4K 827 581
                                    

CHAPTER THIRTEEN

_

SOUTHERN'S POV

"I don't think I can do this.."

Lihim kong sinilip si Genesis na kanina pa pabulong-bulong. Nanginginig ito at halatang kinakabahan. Pawisan narin siya kahit sobrang lamig ang buong sasakyan. Gamit namin ang sasakyan nila papuntang Mansyon. Ako ang nagmamaneho at sa shot gun seat naman si Genesis. Sa likod ang iba na excited na excited sa pupuntahan namin.

"Kyaaaaahh! Makikita ko ulit si Ate North!" masayang sigaw ni Isaiah at sinakal pa ang sisiw sa sobrang tuwa. Dala-dala niya palagi ito.

"Maraming pagkain doon!" sabi ni Psalm at kung namamalikmata ako ay parang naging Cake ang mga mata niya.

"Meron silang malaking TV! Manonood tayo ng Dora!" Excited si Noah. Dala-dala pa niya ang bimpo na may Dora design.

"Dora!" sigaw din ni Peter at kumekembot sa upuan. Dala naman nito ang bagpack na kakulay ng bag ni Dora. Laman iyon ng mga extra shirt, in case na baka raw pagpawisan sila. Mga bimpo, suklay, cotton buds, nail cutter, payong, kapote, pulbo at kung ano-ano pa na baka RAW kailanganin nila.

"Genesis! Excited ka na ba na makilala ang pamilya ni South? Kyaaaah! Siguro ang cool nila 'no? Naalala ko, mukhang nakakatakot ang Tatay niya! Sana hindi niya tayo kainin ng buhay!" sabi ni Isaiah. Lumapit ito kay Genesis at pinatong ang siko sa ulo ng upuan niya.

Mukhang mas lalong namutla si Genesis sa narinig. Natawa na lang ako.

"Hala! Kakainin niya tayo ng buhay? Masama ang hilaw na meat 'di ba? Dapat iluto muna niya tayo at lagyan ng mga sahog para sumarap! Baka kasi magkasakit siya kapag kinain niya tayo ng hilaw!" sabi ni Psalm.

"Oo nga! Paliguan niya rin tayo kasi dalawang linggo na akong hindi naliligo!" sabi ni Peter.

I almost stepped the break. What the hell? Dalawang linggo? Pero bakit basa ang buhok niya?

"Bakit mukha kang bagong ligo?" I asked curiously. Tinignan ko ito sa rearview mirror.

He showed me his toothy grin and comb his hair using his fingers. "Ah, hehehe! Sinawsaw ko lang ang buhok ko sa timba. Malamig kasi ang tubig, natatakot ako maligo."

-______-

The hell?

"Hehe, ako din Timog! Sinawsaw ko lang ang suklay tapos ay sinuklay ko sa buhok ko. Sayang kasi ang shampoo kapag ginamit ko" sabi rin ni Noah.

Napailing nalang ako at napatingin kay Genesis na mariin na kinakagat ang ibabang labi. He look so bothered.

"You okay?" tanong ko.

Naiiyak siyang tumingin sa akin. Gusto ko itong pagtawanan pero baka magalit kaya 'wag na lang.

"I'm so fvcking nervous right now yet you're asking me if I'm okay?" masungit na aniya.

I chuckled softly. "Chill. High blood ka kaagad. Nagtatanong lang eh."

Sumimangot ito at napayuko. "I'm really nervous. What if your father won't like me?" mahina ang boses nito sa huli pero narinig ko parin ang sinabi niya.

"He will, don't worry."

Tumingin siya sa akin. There's a hope on his eyes. "Really?" Then his eyes shut into worry again. "Paano kung hindi?"

Diniretso ko ang tingin ko sa kalsada. I smirked secretly.

"Edi sapakin mo."

Napasinghap ito. "Are you out of your mind?!" Bumuga ito ng hangin. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko itong problemadong napasapo sa noo. "You want me to punch your Father? Are you even thinking straight?" Napailing ito. "You said that he will fvcking feed me on his Piranha! That's too scary!"

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon