Chapter 33: The little compass

15.5K 908 890
                                    

A million thank you for everyone who patiently waiting for my update. Thank you Badass readers!

-Naya

CHAPTER THIRTY THREE

PSALM CRANE's POV

"Noah! Tabi tayo matulog, ha?"

"Okay, Kaps! Basta dalhin mo 'yung Dora na unan mo."

"Ako rin! Gusto kita makatabi, Isaiah!"

"Sige, Peter! Tabi-tabi tayo matulog!"

Lumabi ako habang subo-subo ang kutsara. Naiingit ako sa mga kapatid ko. Gusto ko rin sila katabing matulog kaso may plano na ako mamaya. Sa kwarto ako ni Genesis matutulog. Tatabihan ko siya. Baka kasi ma-miss niya si South at malungkot siya kaya kailangan na nasa tabi niya ako para may magpasaya sakanya. Simula kasi nang pumunta sa Japan si South ay hindi na namin siya nakitang naging masaya. Palagi nalang itong malungkot at galit. Natatakot na nga kami sakanya e.

"Psalm, tabi ka sa amin?" tanong ni Isaiah sa akin. May suot itong sumbrero na may tenga ng rabbit na disenyo. Nakasando siya ng kulay orange at nakashort ng kulay dilaw. Nagningning si Isaiah sa paningin ko. Masakit sa mata ang kulay ng mga damit niya. Ewan ko ba kung bakit ganoong kulay ang pinares niya. Hindi ako nito gayahin na nakashort lang ng kulay brown at walang suot na damit. Ang presko kaya sa pakiramdam.

"Hindi e. Sa kwarto ni Genesis ako matutulog" sagot ko.

"Ayaw mo akong katabi?" nagtatampong aniya.

"Syempre, gusto. Love kaya kita dahil kapatid kita pero malulungkot kasi si Genesis kapag wala siyang katabi. Wala pa naman si South" paliwanag ko.

Napansin ko ang pagtigil ni Summer sa paghuhugas. Siya pala ang tagalinis, tagaluto, tagalaba at tagahugas namin. Ginusto niya ang mga iyon kaya hinayaan nalang namin. Sabi kasi ni South, h'wag mong pigilan kung gusto niyang gawin. Ang sarap nga sa pakiramdam na wala kang ginagawa e. Mabuti nalang pala na nandito si Summer, wala kasi kaming ginagawang gawaing bahay, hehe.

"Oo nga 'no? Paniguradong malulungkot nga si Kaps. Sige, tabihan mo nalang si Genesis. Yakapin mo siya nang mahigpit sa pagtulog, kunwari ay ikaw muna si South."

Kunwari ay ako si South? Pero..

"Hala! Paano 'yan, Kaps maiksi lang ang buhok ko? Mahaba ang buhok ni South, 'di ba?"

Hanggang kalahati ng likod ang haba ng buhok ni South. Samantalang maiksi naman ang akin. Paano kaya hahaba ang buhok ko?

"At saka may dodo siya, ikaw wala" sabi naman ni Peter.

Napatingin ako sa dodo ko. Sandali...

"May dodo ba si South?"

Nagkatinginan kaming magkakapatid. Saglit kaming napaisip hanggang sa sabay-sabay ding napailing.

"Wala siya no'n."

Hays! Malaking problema 'to.

"Saka astig si South" nakangiting sabi ni Noah.

Lumabi ako. Hindi ako astig e, cute lang ako. Paano kaya maging si South? Parang ang hirap naman kasi niyang gayahin.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now