Chapter 29: Housemate

13.9K 686 584
                                    

Sorry  po kung hindi ako nakapag-update last Sunday. Anyway, enjoy this long chapter.

Hi, sa lahat ng mga silent readers!

CHAPTER TWENTY NINE

SOUTHERN'S POV

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may isa pang tokmol na Crane sa mundo. Five tokmols are already stressing me out, paano pa kapag anim na sila? Just thinking of it, I'm already stressed.

Is this the reason why Tito Jackal is here in Japan? Kaya ba hindi siya makabalik ng Pilipinas dahil nandito ang isa pa niyang anak? Ito ba ang problemang kinakaharap niya ngayon? Sa kabila ng pagguho ng mundo ko ay ang pagkalito ko rin sa mga nangyayari. I really have to see him right now. Kailangan ko na siyang makausap bago pa ako mabaliw sa kakaisip.

Napatingin ako sa pang-anim na Crane. He's busy licking his Ice Cream. Nakakita kasi ito ng Ice Cream House kaya kaagad siyang nagpabili. Ako namang si mayaman, binilhan ko kaagad siya. Pasalamat siya medyo lutang pa ako nang malamang anak siya ni Tito Jackal. Iyong matandang 'yon talaga pati sa Japan naghahasik ng lagim.

"Alam mo bang tarantado ang Dada mo?" I said, out of the blue.

Lumingon siya sa akin ng may pagtataka. I admire his innocent and fragile eyes, walang duda na isa nga siyang Crane. Inosente at mukhang bobo.

"Tarantado?" he asked curiously.

Tumango ako. "Tarantado, ibig sabihin ay cool siyang tao. Alam mo ba ang cool?"

"Kakkoii!" he beamed.

"Hai, kakkoii. Your Father is tarantado, in Japanese, Kakkoii" turo ko.

Parang pumalakpak ang tenga nito sa narinig. His eyes are glistening in happiness. Hindi ko maiwasang maawa para sa batang 'to. Ang saklap ng naging kapalaran niya. Bakit si Tito Jackal pa ang naging Ama?

"Tarantado si Dada!" Bumungisngis ito na parang isang batang kinikiliti.

"Oo, pakisabi 'yan sakanya, ha? Matutuwa 'yon kapag narinig niya 'yan" utos ko sakanya.

"Hai!" masunurin ang isang 'to.

Tumambay kami sa park ng ilang oras. Nagpasya akong hindi na ako pupunta ng Kawachi para hanapin si Tito Jackal. Sabi nitong kasama ko ay kusa raw siyang susunduin ni Tito rito sa Tokyo mamayang gabi. Ibig sabihin, I have to stick with this kid until his father fetch him, sa ganoong paraan ay makikita ko na rin si Tito ng walang kahirap-hirap.

"Kyaaaah! Kawaii!" bigla itong tumili kaya nangunot ang noo ko. I look at him and saw him pointing his finger on the dog who passed by. Parang ngayon lang ito nakakita ng aso. He's very happy. Abot tenga ang ngiti nito kaya nawala tuloy ang singkit niyang mga mata.

He's so cute. Ito na ba ang bunso sa mga Crane?

"Isa ka talagang tokmol" wala sa sarili kong sabi.

"Tokmol?" kuryos niyang baling sa akin.

"Isa kang Crane kaya isa kang tokmol" I stated. Ngumuso ito nang hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Napangiti nalang ako.

Hindi ko alam kung alam ba niyang may mga kapatid din siya sa Pilipinas. I wonder if Tito Jackal mentioned about that. Bigla kong naisip ang mga Crane. Ano kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang may kapatid pa silang isa rito? Magiging masaya kaya sila? O malulungkot dahil hindi na si Isaiah ang magiging bunso nila?

I was on my deep thoughts when I felt a hand poking me. Napatingin ako sa katabi ko na nakanguso.

"What?"

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon