Chapter 45: Dagger

12.2K 644 311
                                    

CHAPTER FORTY FIVE

NORTHERN'S POV

I watched him as he placed the foods on the table. Mabango at nakakaakit ang mga pagkain na niluto niya. I insisted to cook but he just gave me a doubtful look. Hindi niya ako hinayaang gumalaw. Maski nga ang paglakad ay kulang nalang ay ipagbawal niya.

Wearing his big shirt while my hair was in a messy bun, I inhaled the luscious foods in front of me. I was salivating but I'm just restricting myself to touch them. Kumakain naman ako ng mga masasarap na pagkain pero pakiramdam ko hindi ako nakakakain sa sobrang kagutuman.

Tinignan ko si Vape na nagtitimpla ng kape. He was topless and his back were facing me. Nakagat ko ang ibabang labi nang mapansin ang ilang kalmot dito. Iniwas ko ang tingin sakanya at tinuon ang attention sa mga pagkain sa harapan ko.

He placed my coffee making me looked up on him. Nagsalubong ang mga mata namin ngunit agad din akong umiwas. Hinawakan ko ang baso ng kape ko at doon kumuha ng init. Sobrang lamig ba naman kasi ng bahay niya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kaharap kong upuan. I could still feel his stare but I keep on averting his gaze.

Hindi ko siya kayang tignan. I feel so awkward. What happened last night broke the boundary we have at each other. We go beyond the limit and I must admit, I didn't regret any piece of it. Ito na siguro ang katangahan na nagawa ko na hindi ko pagsisisihan.

"North" he called my name as if it was his favorite word.

Tumingin ako sakanya. Titig na titig siya sa akin. Wala man lang akong nakikitang pagsisisi sa mga mata niya.

"Last night---"

Umirap ako. "Yeah, what happened last night was a big mistake. I know that. It was just a one night stand so no worries. Kakalimutan ko iyon----" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang hampasin ang lamesa. Natapon ang ilang pagkain sa lamesa ngunit wala man lang siyang pakialam doon. Nakatuon pa rin sa akin ang nagbabaga sa galit niyang mga mata.

"Just a fucking one night stand? Is that what you think of it?! Goddamit!" Tumayo siya at sinipa ang inupuan. Tumalsik ito sa pader at agad nagpiraso.

Halos tumalon ang dibdib ko sa sobrang takot sakanya. Nagtatagis ang ngipin nito sa galit. Nakayukom ang mga kamao niya ngunit hindi iyon ang inaalala ko, kundi ang sugat nito. Dumugo iyon kagabi kaya natatakot akong bumukas muli ang sugat niya sa pwersang ginagamit niya.

"V-vape, your wound..." nanginginig akong tumayo at akmang lalapit sana sakanya ngunit kaagad niya akong hinila at sinandal sa pader. "Vape!"

Madiin ang hawak niya sa balikat ko. He looked at me with rage, disappointment and frustration. Kung hindi lang ako babae ay baka kanina pa niya ako binalibag.

"How dare you do this to me? I promised you the world, Northern. How dare you think that it was just a one night stand when all I did was to make love with you?" puno ng hinanakit na sabi nito.

"Vape..."

"Please, don't hurt me."

My eyes watered. Oh gosh! Ano ba ang ginawa ko?

I held his face and gently caress it. "N-no! I'm sorry if I was being stupid. I'm sorry, oh god! I'm sorry!" Niyakap ko siya nang mahigpit.

Sinubsub nito ang mukha sa balikat ko. I caress his hair and keep on whispering my sorry.

Being entangled with him is a big mistake. I never even imagine that I'll sleep with him. The moment I saw him at the coffee shop, alam ko na sa sarili ko na problema ang kahihinatnan ko sakanya. He helped me. He stayed with me. Iyong maikling panahon na magkasama kami ay pareho naming natagpuan ang isa't isa. It may sound stupid but yeah, I guess it is really stupid. I let myself fall at the man who are so deeply in love with my sister. Sinugal ko ang sandali ng buhay ko sa taong walang kasiguraduhan na mananatili sa tabi ko. Sumugal ako kahit alam kong hindi ako mananalo.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now