Chapter 47: Grounded

12.2K 675 418
                                    

CHAPTER FORTY SEVEN

SOUTHERN'S POV

"We lost track of them. Mabilis silang nakatakas. But one thing for sure, hindi sila makakalabas ng bansa. They are now the most wanted people of the Philippines."

Sinubo ko ang bacon sa bibig ko at maingat iyong nginuya. Napatingin ako sa katulong na naglagay ng juice sa baso ko. I took it and sipped. Binaba ko ang baso at muling sumubo ng ilang kanin at ulam.

"Nasa amin na ang lahat ng impormasyong tinatago ng oraganisasyon na iyon. Wala na silang takas. Wala na rin silang babalikan. I burned their building, anyway."

Nag-angat ako ng tingin kay Daddy. Tuloy-tuloy siya sa pagsubo habang nakatingin sa akin ng walang emosyon. Umiwas ako ng tingin at inabot ang hotdog na nakahain. Hindi ko pa man ito naabot ay may kamay nang pumalo sa kamay ko.

"Ouch!" I glared at the person who hit me. Ang aristokrato at mataray na mukha ni Nanang ang bumungad sa akin. "What's your problem?"

Tumusok siya ng isang hotdog at sinubo iyon sa bibig niya. Napailing nalang ako at kumuha ng ibang ulam. Baliw.

"You have a skillful friends, Southern. Mas magaling pa sila sa mga tauhan ko pero illegal pa rin ang pangingialam nila. For that, I'll give them warning. I'm sure their parents talked to them already. Hindi porket nakatulong sila ay pagbibigyan ko na sila. They have to learn" he said while chopping his bacon on his plate. "And for your lover, you are not yet allowed to see him. You are grounded for a week. No friends, no phone, no money, no boyfriend---"

"What?!" bumagsak ang mga kubyertos ko dahilan para lumikha iyon ng ingay. Natigil sila sa pagkain at bumaling sa akin ng walang kurap-kurap.

"You heard me, Southern" Dad noted coldly while pointing his fork at me.

Nagtagis ang bagang ko sa inis. "You cannot do this to me!"

"Yes, I can do this. This is for you to learn. How dare you escape from the hospital and attacked your Mom without thinking! Have you ever think twice? Have you ever thought about the consequences of your action? Look what happened to you! If no one pressed the emergency help, you will not be saved! You will die in that room!"

"She burned our house! She harmed us!" giit ko.

Binitawan nito ang mga kubyertos at binigay sa akin ang buong atensyon niya. He looked at me dangerously and full of frustration. Tila ilang sandali nalang ay ipapataob niya na ang lamesa namin.

"Still! You cannot just risk your life just like that! Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin para ako na ang gumawa? I would love to capture your Mom and put her behind bars, o baka ikadena ko na rin siya para hindi na makagalaw at makaalis!" Nagtatagis ang ngipin nito sa galit. Napalunok ako pero hindi ako nagpahalatang natatakot sakanya.

"You will really do that? Kaya mo siyang ikulong?"

"Of course! Nagkasala siya sa batas at wala akong sasantuhin kapag may lumabag sa mga batas ng bansa ko!"

"Really, huh? Baka naman gusto mo siyang hulihin hindi para managot sa batas kundi para hindi na makatakas sa'yo? You two are still married at each other. Why don't you just admit that you still want her!"

"Watch you word, Southern! I don't want her..." umiwas siya ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Hindi ko sigurado kung nakita ko ba talaga ang pangungulila sa mga mata niya, agad din kasi itong nawala at napalitan ng kalamigan.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip. "Tss. Ewan ko sa'yo!"

Masama niya akong tinignan ngunit wala akong pakialam. Uminom ako ng tubig at pinunasan ang bibig ko bago tumayo.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Where stories live. Discover now