Prologue

37.5K 716 18
                                    

Si Lucy na nga ata ang isa sa pinaka malas na babae.

Wala naman syang asawa at anak, pero mas matanda pa s'yang tignan kesa sa mga babaeng may walong anak.

Nagtatrabaho si Lucy bilang magiting na empleyado nang pinaka masayahing bubuyog sa mundo.

Trabaho sa umaga, trabaho sa gabi. Ipon dito, ipon doon. Bayad ng bahay, tubig, ilaw, at pang kain araw araw.

May trabaho naman sya, pero hindi kumakasya ang pera sa kanya.

Bakit nga kamo? kasi sagot n'ya lahat para sa sarili n'ya.

Wala na s'yang kasama sa buhay, dahil namatay na ang mga magulang n'ya at hindi n'ya rin alam kung nasaan ang mga kamag anak n'ya.

Paano na lang kung may biglang dumating na tao sa buhay n'ya? Paano kung hindi lang isa? Paano kung dalawa? Paano kung sila na ang magbibigay nang bagong kahulogan sa buhay n'ya?

Pipiliin n'ya ba ang buhay na mahirap at malungkot?

Pipiliin n'ya ba na sumabak sa buhay na masaya pero may responsibilidad na?

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon