chapter 27

16.4K 357 9
                                    


Zerep POV

Nang lumabas nang bahay si lucy, ay hinabol ko agad.

Kahit na anong galit ko sa kanya, kahit na alam ko na pwedeng totoong niloloko nya ako, di ko pala kaya na wala sya.

Nang makalabas ako ay agad ko nakita ang papaalis na sasakyan.
sandali? sasakyan yun nang lalaki nya ahh! kaya pala ang lakas nang loob nya umalis at itapon sa akin ang pera, dahil mapera din ang lalaki nya.

Lumipas ang araw, linggo at buwan pagiinom na lang ang nagagawa ko.
hindi ko kaya nahihirapan ako, kapag naiisip ko ang panahong ibinigay nya ang sarili nya sakin. akala ko akin na sya  akala ko ako na talaga ang mahal nya.

Pero nang dumating si Rea, sinabi nya sakin lahat nang kalokohan ni Lucy, naabutan ko lagi na nakasunod sa kanya ang sasakyan nang lalaki nya. hindi lang yun, huling nakita ko sila magkayakap sila.

Ganun ba ako kahirap mahalin?  Ang hirap hirap ba?
Hindi ko namalayan na basang basa na pala ang mga pisngi kong napuno nang luha.

Alam ko naman minsan hindi ako naging mabuting tao, pero simula nang makita ko sya gustong gusto ko na sya. akala ko totoo yung sinabi nyang mahal nya ako.

Akala ko tutuparin nya, ang pangakong hindi nya kami iiwanan.

Siguro nga ganun ako kahirap mahalin.

Nang magising ako ay napabalikwas ako. nakatulog pala ako sa lamesa, dinig na dinig ko ang chismisan nang mga katulong.

"grabe kawawa si sir ano?  Hindi nya man lang nalaman na buntis si mam lucy sayang. "

"ou nga antaba na nga ni mam nung umalis sya. "

Sino?  Sinong buntis?  Si lucy buntis may anak ako? 

" kawawa si Mam kesa kay sir, nakita ko syang nawalan nang malay sa labas nang bahay paglabas nya! "

"buti na lamang at may dumampot sa kanya hindi ko na sinita, kasi tinawag syang lucy edi kilala nya! "

Gagong mga katulong to hindi man lang sinabi sakin. nanatili ako at di tumayo ng di nila marinig na gising na ako.

"Kawawa talaga si mam, nakita ko yun gabi gabing umiiyak, dahil kay mam rea. "

Umiiyak?  Umiiyak ang babaeng mahal ko? nang wala akong kaalam alam?  Bakit di nya sinabi sa akin?  Bakit? 

Nang gumalaw ako ay nagsialisan ang mga katulong.
Hinahanap ko si Lucy, lahat nang kaya kong paghanapin ay pinaghanap ko na.

Dumaan ang mga araw, ngunit wala pa rin.
Baba na sana ako nang marinig ko nakikipagusap si Rea.

"ayoko na dito Glen, mahal ko! bilisan mo naman ang trabaho mo, please nang makaalis na tayo nang bansa please naman! " nakikiusap nyang sabi sa kausap nya

"hindi ka na dapat nagaalala sa lucy na yan! ginagawa ka nyang Tanga ano? ipapaako nya sayo yang tatlo nyang anak? hindi ka ba nandidiri anak ni Zerep yan!!! "

Tatlo?  Anak ko tatlo? 
Ako nga ang tatay.

Binuksan ko ang kwarto sabay na hinila ko si Rea

"niloloko mo pala ako!  Ikaw pala ang kasintahan ni Glen at hindi si Lucy. sinira mo ko! sinira mo ang pamilya ko!!!!!! "

nanginginig ang kalamnan ko at gusto ko sya sapakin, nang pigilan ko ang sarili ko.

"lumayas ka na rea! " mahinahon kong sabi pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

pero tinignan nya lang ako na parang nakakadiri akong tao.

"LUMAYAS KA NA! HANGGAT NAKAKAYA KO PA! DAHIL DI KO ALAM MAGAGAWA KO SAYONG HAYOP KA! " sigaw ng di mapigilan ang galit.

Putangina naman! anong ginawa ko? anong nagawa ko lucy?

umiiyak akong napaaupo sa sahig,
di ko kaya yung sakit na araw araw ko iniisip na may iba syang lalaki.

di ko namalayan na kinain na ng anay ang bahay ng pamilya ko.

WANTED : MOMMY (EDITING)Where stories live. Discover now